SUSPENDIDO ngayong araw, Miyerkoles, ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o Number Coding Scheme sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila.
Inihayag ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon.
Sa Traffic Advisory ng MMDA at bilang paggunita sa ika-36 kamatayan ni dating Senador Benigno Aquino Sr. suspendido ang pagpapatupad ng number coding ngayon araw .
Sa suspensiyon ng number coding scheme, malayang makabibiyahe ang mga sasakyan kahit anong numero ang nasa hulihan ng kanilang plaka sa lahat ng pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Nag-abiso rin ang pamahalaang lokal ng Makati na walang number coding sa kanilang lungsod ngayon araw, 21 Agosto.
Inihayag ng Public Information Office (PIO) ng Las Piñas,City, tuwing holiday ay hindi rin ipinatutupad ang number coding sa lungsod.
Pinayohan ng MMDA ang mga motorista, na hangga’t maari ay planuhin ang kanilang mga lakad at kung walang mahalagang pupuntahan huwag nang makisali o makisiksik pa sa trapiko. (JAJA GARCIA)