Saturday , November 16 2024

Foreign recruiters blacklisted, tiwaling agencies suspendido

UMABOT sa 21 foreign recruitment agencies at direct employers ang inilagay sa blacklist habang 19 pasaway na local recruitment agency ang pinatawan ng suspensiyon o kinansela ang lisensiya sa patuloy na kampanya ng gobyerno upang linisin ang overseas placement industry, ayon sa labor department.

Sa ulat ni adminis­trator Bernard Olalia ng Philippine Overseas Employment Adminis­tration (POEA) kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi niyang ang paglilinis sa industriya ay bahagi ng pinalakas na regulasyon upang mapa­ngalagaan ang mga mang­gagawang Filipino at maisulong ang kapa­kanan ng mga nagha­hanap ng trabaho sa ibang bansa.

Ang mga suspen­di­do, namultahan o nakan­selahan ng mga lisensiya ay mga napatunayang lumabag sa mga pata­karan sa recruitement mula Enero hanggang Hulyo, ayon sa POEA.

Ani Olalia, kabilang dito ang mga suspendido at muling naisyuhan ng mga lisensiya matapos mabaliktad ang mga kanselasyon dahil sa apela.

Ipinaliwanag ni Olalia, kinailangan ng POEA na maibunyag ang listahan ng mga tiwaling recruiter at ahensiya para sa kaalaman ng publiko, partikular ang mga naghahanap ng trabaho sa ibayong bansa.

Ang mga diskalipi­kadong foreign recruit­ment agencies o mga  direct employers ay: AV Global Harvest PTE Ltd., Isa KhouriMetal Indus­tries Ltd. and Amir Khoury, Raffles Inter­national Christian School, Al Tauqueet Trading and Services Est/Al Tauqet Trading & Services Co., Noora Salem Saad Occie for Recruitment of Domes­tic Helpers Office, All Pro Recruitment Agency, Marwan Slim; Food Equipment Sup­plying Company Limited (Fesco) & Thaer H. Abdou, Wanasah Man­power Supply & Moham­med Naser Al Naser, Bader Contracting & Trading Company/Bard Cont and Trad, Speedy Tech Electronics Co. Ltd., Staff Buro Staffing, Candice Cruz and Allan John Wilton, Jalal Al Jalal Construction Est./ Al Nassr AhssaTrading Contracting Company/Jalal Al Jalal/Saad Saleh Al Jalal, Marhaba Shopping Center, Hadi Al HamroorContracting Est. and Fawzi Al Najrani Est./Fouzi Saleh Najrani Contracting, Yacht Tours Maldives Pvt. Ltd.; Al Falax Electronics Equip­ment  and Supplies Company/Al Falak Equipment, Agensi Pekerjaan YSL SDN BHD Lim Pooling and Saw Boon Foong, West Labour Supply and Abdalla Ali Adalla Alsari, Tsaheel Al Janoob Office for Recruit­ment, Al Bahli Manpower Recruiting Office & Omar Saad Al Hamad, at Special Manpower Supply.

Ang mga ahensiyang suspendido o namultahan mula Enero hanggang Hulyo ay Double M Marine Services, Danasan Manpower & Manage­ment Services, Summit Placement and Resources, Masters International Placement, Farland Personnel Management Corp., Corinthians Place­ment Services, Ankor Management & Services & Consultant; HBO International Manpower Services, Century High HR Inc., First Champion & International Entertain­ment Inc., Jamal Human Resource, Farland Per­sonnel Management Corp., Boom International Recruitment Agency, Workgroup International Manpower Services, Osims Oriental Skills International, Health Carousel Philippines Inc., Mitch International Recruitment Agency, at Falcon Maritime & Allied Services.

Kanselado ang mga lisensiya ng Rufean International Resources, Ace Globe Management Consultancy Services Corp, Federal Overseas Manpower Inc., American Prime Manpower Services Inc., FilhighGNS, Inc., Danasan Manpower & Management Service, Pacific Ace Human Resources Corporation, Highway Manpower Services & Promotion, Inc., at M&P Employment Inc.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *