Saturday , November 16 2024

Sotto nagmungkahi: “No Parking Zone” sa Metro Manila

IMINUNGKAHI ni Senate President Vicente Tito Sotto III sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pina­mu­munuan ni Senadora Grace Poe ang “No Parking Zone” sa buong Metro Manila.

Para tuluyang maba­wa­san ang matinding trapik sa EDSA dapat nang ipatupad ang “No Parking Zone” sa buong Kalakhang Maynila.

Ayon kay Sotto, ma­ta­gal na niyang iminu­mungkahi ito ngunit walang nakikinig sa kan­ya.

Paliwanag ng sena­dor, kung talagang ma­wa­wala ang mga illegal parking sa lansangan at maging ang parking zone ng mga lokal na pama­halaan sa mga kalsada na kanilang nasasakupan maaari na itong mara­anan ng private vehicles at ang mga bus na lamang ang daraan sa EDSA.

Isa rin sa minungkahi ni Sotto ang paglipat ng ilang government agen­cies sa ilang lalawigan upang makatulong sa pagbabawas ng trapik sa Metro Manila.

Ang pagdinig ay ukol sa pagpapatupad ng MMDA sa yellow bus lane at ang pagbabawal na dumaan ng mga pro­vincial buses sa kahabaan ng EDSA.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *