Thursday , August 21 2025

Ospital ng Maynila level 3 category — DOH

SA ANIM na pampu­bli­kong ospital sa Lungsod ng Maynila, tanging ang Ospital ng Maynila (OSMA) ang nasa kategoryang Level 3 ayon sa Department of Health (DOH).

Nangangahulugan, ani Manila Vice Mayor Honey Lacuna na ang OSMA ay makapag­bibigay ng kompletong serbisyo dahil mara­ming mga mangga­gamot na titingin sa mga pasyente.

Ang Ospital ng Sta. Ana ay nasa kategor­yang Level 2, samantala ang apat pang ospital gaya ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Justice Abad Santos Medical Center, Ospital ng Tondo at Ospital ng Sampaloc ay nasa kategoryang Level 1.

Ipinaliwanag ni Lacuna, ang mga ospital na mas mababa sa Level 3 ay kulang sa mga doktor kaya gaya bagaman naga­gawan ng paraan ay nahihirapan silang tangga­­pin ang maraming pasyente na nagpapatingin sa mga nasabing ospital.

Hindi gaya ng OSMA, bukod sa maraming nakatalagang doktor ay komplerto sa pasilidad para makapagbigay ng magandang serbisyo  mga pasyente.

Sinabi ni Lacuna, maraming doktor ang napipilitang mag-resign dahil malilit ang kanilang tinatanggap na suweldo na umaabot sa P50-P57,000 kada buwan kompara sa mga dok­tor na na nagse­serbisyo sa national hospitals gaya ng Philippine General Hospital (PGH) at Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) na kumikita nang mahigit P75,000 bawat buwan.

Gayonman, ipinali­wanag ni Lacuna na gi­na­­gawan nila ng paraan na maisaayos ang badyet upang matu­gu­nan ang lahat ng ipag­kakaloob na serbisyong medikal para sa mga tagalungsod ng Maynila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nicolas Torre III

Torre pinanindigan balasahan sa hanay ng PNP top officials

ni ALMAR DANGUILAN PINANINDIGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Nicolas Torre III ang …

Jose Antonio Goitia Bongbong Marcos

Laban ni PBBM vs korupsiyon at palpak na flood control, laban din ng bawat Filipino

“SA PANAHONG dumaranas ng matitinding pagbaha at iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatuwiran …

Brian Poe Llamanzares

Online gambling tanggalin, magtuon sa ibang pinagkukunan ng buwis

BINATIKOS ni Rep. Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan ang maliit na ambag ng online …

Warrant of Arrest

Kelot arestado sa kasong kalaswaan

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) katuwang ang …

Gagamba Spider

26 naaresto sa derby ng mga gagamba sa Bulacan

DALAWAMPU’T anim na katao ang naaresto sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *