Monday , December 23 2024

Kadiwa stores ibabalik ni Imee

NANANAWAGAN ngayon si Senador Imee Marcos kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na muling buhayin ang Kadiwa store sa Kamaynilaan para matugunan ang problema sa mataas na presyo ng mga bilihin na kinakaharap ng maliliit na mamimili at mabawasan ang antas ng kahirapan.

Ayon sa Senadora, “Kahit mura ang bigas at sinasabing mababa ang inflation, mahal pa rin ang ibang bilihin lalo ang asukal, karne at iba pa. Malaking dagok ito sa mahihirap dahil halos 60% ng gastos nila napupunta sa pagkain.”

Dahil isa ang presyo ng mga bilihin sa pangunahing concern ng mamamayan, naniniwala si Imee na bibigyang-diin ng Pangulo ang pagresolba sa isyung ito sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ngayong Lunes ng hapon.

“Isa ang Kadiwa sa nakikita nating solusyon para matulungan ang maliliit nating mga kababayan. Sobrang mahal ng mga bilihin at malaking tulong kung bubuhayin muli ng Pangulo ang Kadiwa at ipakalat ito sa mga komunidad, partikular sa mga depressed areas,” ayon kay Imee.

Binigyang-diin ni Imee ang pag-angkat ng pamahalaan nang direkta sa mga pabrika o manufacturers pati na ang pagbili ng gulay sa mga magsasaka, isda sa mga mangingisda, at maging sa mga hog at poultry raiser.

Ayon sa Senadora, kailangan gawin ito sa sandaling tuluyang maging operational ang pagpapakalat ng Kadiwa store para hindi maabuso ng mga tiwaling traders o middleman ang mga pangunahing bilihin na ititinda sa Kadiwa.

“Kailangan umpisahan kaagad ang Kadiwa store sa Metro Manila at sa mga susunod na araw ay sa buong Filipinas na ito gawin. Siguruhin din na mayroong mabibiling NFA rice ang ating mga kababayan sa ipakakalat na Kadiwa,” pahayag ni Imee.

Idinagdag ni Imee na hindi lamang murang manok, isda, baboy, gulay at bigas ang dapat na mabibili sa Kadiwa kundi pati ang noodles na kalimitan ay pagkain sa hapag-kainan ng mahihirap na Filipino.

Nakatakdang maghain ng resolusyon si Imee sa susunod na araw na nagrerekomenda sa Pangulo na muling pagpapakalat ng Kadiwa store.

Ang konsepto ng Kadiwa ay unang ginamit sa panahon ng administrasyong Marcos, isang paraan para matugunan ang problema sa mataas na presyo ng pangunahing bilihin.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *