Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
INIHARAP ng mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong Chinese nationals na kinilalang sina Ben Tan, Haitao Wang, Dechun Qin, Yong Fei Chan, Xiao Qiang Yang, Dong Zheng Wen, Beijun Lin, Jun Wang, at ang Filipino na Jomar Lozada, pawang naaresto sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa kanilang walong kababayan na nailigtas ng mga tauhan ng NBI Criminal Intelligence Division sa Las Piñas City. (BONG SON)

8 Chinese nationals, Pinoy huli sa kidnapping

ARESTADO ang walong Chinese nationals at isang Filipino dahil sa pagdukot ng mga kababayang Tsino sa casino sa Parañaque City.

Kinilala ang Pinoy na si Jomar Demadante, at Chinese nationals na sina Ben Tan, Haitao Wang, Dechun Qin, Yong Fei Chan, Xiao Qiang Yang, Dong Zheng Wen, Beijun Lin, at Jun Wang.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nakatanggap sila ng reklamo mula sa ilang Chinese national, kabilang ang asawa ng isa sa mga biktima na sapilitang tinangay ng mga hindi kilalang suspek.

Ayon sa asawa ng biktima, tinangay ang kaniyang mister mula sa isang kilalang hotel and casino complex sa Para­ñaque at dinala sa isang bahay sa Las Piñas City.

Ayon kay Assistant Director for Intelligence Service Eric Distor, pawang mga player sa casino ang walong biktima na nadiskubreng talo sa paglalaro at pinautang ng mga suspek kapalit ng doble o tripleng interes.

Base sa kanilang imbestigasyon, inutusan umano ng mga suspek ang mga biktima na tawagan ang kanilang mga kaanak at hinihingan ng P2 milyon para sa kanilang kalayaan.

Nagawang maka­ta­wag ng isa sa mga biktima sa kaniyang pinsan sa China na nagpadala ng P500,000.

Pero hindi umano agad pinalaya ang bikti­ma hanggang hindi pa nakokompleto ang kabu­uang halaga na hinihingi ng mga suspek.

Pinatawag ulit ng mga suspek ang biktima sa kaanank nito kaya nakagawa ng paraan ang biktima na ipadala sa kaniyang misis ang kaniyang lokasyon sa pamamagitan ng GPS.

Ayon sa NBI, ang Pinoy ang nagsisilbing bantay ng bahay na nagsilbing safehouse ng mga suspek.

Narekober mula sa Pinoy na suspek ang isang baril. Isinalang na sa in­quest proceedings ang mga suspek para sa ka­song kidnapping at serious illegal detention at pagla­bag sa Com­prehensive Firearms and Ammu­nition Regulation Act.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …