Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Digong 8888 hotline sagot sa problema at sumbong ng bayan

NAKATAKDANG ilun­sad ng state-run People’s Television Network (PTV-4) ang programang “DIGONG 8888 HOTLINE” na maaaring makapag­sumbong nang direkta ang publiko laban sa nalalaman nilang kati­wa­lian sa isang ahen­siya ng pama­halaan.

Bukod sa iregu­la­ridad, maaari rin ipara­ting sa naturang pro­grama ang mga reklamo na may kaugnayan sa mabagal na proseso ng isang transaksiyon, sum­bong kontra sa fixers, at masusungit na kawani ng pamahalaan.

Isang ahensiya ng pamahalaan ang sasalang sa kada linggong episode ng “DIGONG 8888 HOTLINE” na tatanggap ng mga katanungan at rektang sumbong mula sa mga manonood na bibig­yan ng agarang aksiyon.

Magsisimula ang “DIGONG 8888 HOTLINE”   sa darating na 11 Hulyo 2019 at mapapanood tuwing araw ng Huwebes, 2:00-3:00 pm na mapapa­nood din sa affiliate provincial stations ng PTV sa iba’t ibang baha­gi ng bansa.

Host ng nasabing programa si Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Salvador Panelo at Assistant Secretary Kris Roman ng Office of the Chief Presidential Legal Counsel at ni Trixie Jaafar ng PTV news.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …