Saturday , November 16 2024

Pulong interesado na sa House Speakership (Digong ‘di na magbibitiw)

MAAARING hindi ituloy ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang bantang magbibitiw sa puwesto kapag ku­man­didato sa pagka-Speaker ng Mababang Kapulungan ang kanyang anak na si Davao City First District Rep. Paolo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, posibleng mag­bago ang isip ng Pangulo at hindi tuparin ang pangakong resignation ngayong inihayag ni Paolo ang interes na maging House Speaker.

“E siguro he will wait for that to happen kung totoong mangyari. But you know, sabi nga e, ‘di ba sabi ko sa inyo, you make a position, you make a stand on the basis of circumstances, when those circumstances change, you also change your stand. So puwede rin magbago,” ani Panelo sa press briefing sa Palasyo.

Matatandaan noong nakalipas na 27 Mayo, sinabi ni Pangulong Duterte na magre-resign siya kapag sumali sa House speakership race ang anak na si Paolo.

Sa kalatas kahapon, sinabi ni Paolo na sasali na siya sa mga nagha­hangad na maging Speaker at ipinanukala ang term sharing gaya ng hirit ng kanyang ama.

Ayon kay Panelo, puwedeng magbago ng isip ang mag-ama kaya hintayin na lang ang susunod na kabanata.

“Puwede rin mag­bago ang isip ng Presi­dente, puwede rin mag­bago ng isip si congress­man Paolo Duterte. Ting­nan natin. Let it evolve,” dagdag ni Panelo.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *