Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 gov’t agency topnotcher sa korupsiyon — PACC

NANGUNA ang Bureau of Customs (BoC) sa ahensiya o kagawaran  ng gobyernong naitala na may reklamo ng katiwalian at korupsiyon sa Malacañang.

Sa panayam ng DZBB, sinabi ni Presidential Anti-Corruption (PACC) commissioner Greco Belgico, valedictorian ang BoC, salutatorian ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at first hono­rable mention o nasa ikatlong pwesto ang Depart­ment of Public Works and Highways (DPWH) pagdating sa natanggap na reklamo ng katiwalian ng komisyon.

Sa mga opisyal ng gobyerno na nakasuhan, napasuspende at napaaresto ng PACC ay mula secretary, undersecretary, director, district engineer, at maging prosecutors.

Tumanggi si Belgica na pangalanan sila habang dinidinig ang mga kasong kriminal laban sa kanila sa Ombudsman.

Samantala, binigyang diin ni Belgica na maging ang ilang opisyal ng gobyerno na malalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi ligtas sa kanilang imbestigasyon at pagpapaanagot sa batas. Iginiit ni Belgica, hindi dahilan ang pagiging malapit nila sa Pangulo para malibre sila sa imbestigasyon kung mayroong nagreklamo ng katiwalian laban sa kanila.

Wala aniyang sinisino ang kanilang mandato, kahit gaano pa man kalapit ang relasyon sa Pangulo. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …