Thursday , May 8 2025

Ping reckless and premature — Panelo

“RECKLESS and pre­mature” para igiit ang implementasyon ng Mutual Defense Treaty matapos ang insidente ng hit-and-run sa Recto Bank.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na hindi na dapat hintayin pa na may maganap na “armed aggression” sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea para ipatupad ang MDT ng Amerika at Filipinas.

“Gamitin daw natin ‘yung Mutual Defense pact. Mawalang galang na sa kaibigan kong si Ping [Lacson]. I think ‘yan ang tinatawag na reckless at premature,” ayon kay Panelo.

“E wala pa ngang act of aggression. Hindi pa natin alam kung ano bang nang­yari roon, is it intentional? Assuming na intentional, ang tanong ay ‘yan ba sanctioned ng Chinese government? Hindi ka basta babanat,” giit niya.

Nauna rito, tinawag na “maritime incident” ang paglubog ng Philpine fishing boat matapos banggain ng Chine fishing vessel sa Recto Bank.

Inabandona ng Chinese fishing vessel ang lumubog na Philippine fishing boat.

Kahapon, dinala ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang ayuda ng gobyerno sa 22 mangi­ngisdang Pinoy na nakal­igtas sa lumubog na fishing boat. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …

Abby Binay Pammy Zamora

Kaugnay ng sinabing vote buying sa campaign rally  
Binay, Zamora, inireklamo sa COMELEC

ISANG reklamo ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC) laban kina Makati Mayor at tumatakbong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *