Thursday , December 26 2024

Oplan pakilala… Rep. Velasco ‘alak’ at ‘regalo’ para sa Solons

NAKADALAWANG termino na bilang congressman ay hindi pa rin kilala sa House of Representatives si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, isa sa tumatakbo bilang House Speaker kaya ang naging paraan ng pagpapakilala niya sa mga kapwa mambabatas ay sa pama­magitan ng pagbibigay ng regalo.

Kinompirma ng isang kongresista na tu­mang­ging magpabanggit ng pangalan, na nakatang­gap siya ng gift bags na may tatak ng isang malaking kompanya at isang high-end cellphone mula kay Velasco noong buwan ng Mayo o ilang araw pagkatapos ng midterm elections, at alam na kung sino ang mga nanalong mamba­batas na bubuo ng 18th Congress.

Hindi nakompirma ng mambabatas kung lahat sila ay ang binigyan o iilan lamang.

Bukod dito, namigay pa ng kahon kahon na inuming nakalakasing si Velasco sa lahat ng congress­man noong pana­hon ng eleksiyon.

“Nasa 50 cases na alak ang ibinigay ni Rep. Velasco at lahat kaming mga congressman ang nakatanggap” kompir­masyon ng isang kongre­sista na bukod umano rito ay nakatanggap ang ilan sa kanila ng grocery bags noong Pasko.

“Mahilig siyang ma­mi­gay, marahil dahil balak na niyang tumakbo bilang Speaker,” dagdag ng isang mambabatas na umamin na nakilala lang niya si Velasco nang mag­simulang mamigay ng regalo.

“Sa totoo lang, hindi naman kailangan ng ganitong mga regalo pero ito ang paraan niya ng pagpapakilala dahil hindi nga siya nakilala sa debate o advocacy o per­formance kaya hindi matunog ang pangalan niya sa halls ng House of Representatives,” pag-amin ng mambabatas.

Dalawang beses nang naging maugong ang pa­ngalan ni Velasco sa Kamara, unang lumutang ang pangalan nito na papalit noon kay House Speaker Pantaleon Alva­rez ngunit si Gloria Maca­pagal Arroyo ang nahi­rang na Speaker kapalit ng tinanggal na si Alvarez at ikalawa ay magiging House Majority Leader umano kapalit ni House Majority leader Rodolfo Fariñas pero ang naluklok ay si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya na kalaunan ay pinalitan ni Capiz Rep. Fredenil Castro.

Tumatakbo ngayon bilang House Speaker ng 18th Congress si Velaso.

Aminado ang poli­tical analyst na si Ranjit Rye, ang pagiging bagito ni Velasco ang isa sa magiging kahinaan niya bilang House Speaker, hindi umano madaling trabaho ang maging lider ng Kamara at ang higit na kailangan dito ay expe­rience at pagiging kilala.

“Kung hindi ka kasi kilala how can you repre­sent the House of Repre­sentatives” pahayag ni Rye.

Una nang sinabi ni Rye na wala kay Velasco ang kalipikasyon bilang House Speaker.

Ang dalawang kap­wa kapartido ni Velasco sa PDP Laban na tuma­takbo din bilang House Speaker na sina Alvarez at Pampanga Rep. Dong Gonzales ang nagsiwalat ng suhulan sa Speaker­ship race.

Umaabot umano sa P1-M at aabot hanggang P7-M ang bigayan para makuha ang boto ng bawat kongresista.

Hindi pinangalangan ng dalawa si Velasco pero sinabing nasa likod ng suhulan ang kadikit na isang business tycoon na sinasabing financier ng nabanggit na mamba­batas.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *