Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinalubog na Pinoy fishing vessel kasado sa Cabinet meeting ngayon

MAGDARAOS ng joint cluster meeting ngayon ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte upang talakayin ang paglubog ng Filipino fishing vessel matapos banggain ng tinukoy na Chinese fishing boat sa Recto Bank sa West Philippine Sea kamakailan.

Ang pulong ay dadaluhan ng security, justice, and peace cluster sa ilalim ni Defense Secretary Delfin Loren­zana at economic develop­ment cluster sa ilalim ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

“Technically hindi puwedeng tawaging Cabinet meeting kasi kung hindi si Pangulo ang nandoon, hindi siya [Cabinet meeting]. Siguro ang confusion lang, if ever, is ‘yung loose na paggamit ng word na Cabinet meeting. But if it involves several Cabinet secretaries ‘yung kasama sa meeting, siguro loosely natatawag siyang Cabinet meeting,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles sa pana­yam sa radio station DZBB kahapon.

Inaasahang may mas malinaw na impormasyon na maihahayag sa joint cluster meeting hinggil sa insidente na maaaring maging batayan sa magi­ging hakbang ng adminis­trasyong Duterte.

Inihayag noong Biyer­nes ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim, ang pag-atake sa South China Sea ng dayuhang armadong sibilyan na pinayagan ng kanilang gobyerno ay puwedeng maging dahilan upang umayuda ang Amerika sa Filipinas alinsunod sa Mutual Defense Treaty.

“(US Secretary of State Mike Pompeo) made clear that because the South China Sea is part of the Pacific, under the treaty itself, any armed attack on Filipino vessels, Filipino aircraft will trigger our obligations under the Mutual Defense Treaty,” aniya.

Matatandaan, iti­nang­gi ng Chinese embas­sy na hit-and- run ang nangyari at mistulang pinagtanggol ang pag-abandona ng Chinese fishing vessel Yue­mao­binyu 42212  matapos mabangga ang Philippine fishing boat dahil natakot umano ang mga mangingisdang Tsino.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …