Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
pnp police

PNP alerto para sa SONA

KINOMPIRMA ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar, nana­tiling nakaalerto ang puli­sya at hindi magpapa­kampante para matiyak ang seguridad sa Metro Manila.

Wala umanong namo-monitor na banta ng kagulohan o terorismo sa Kalakhang Maynila  sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na 22 Hulyo, ayon sa NCRPO.

Aniya, aabot sa 5,000 pulis ang ipapakalat at magbibigay seguridad sa kasagsagan ng SONA ni Duterte partikular sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Inihayag ni Eleazar na inaasahan nila ang pagti­tipon-tipon ng mga rali­yista sa labas o malapit sa Batasang Pambansa kaya tiniyak ng opisyal na ipatutupad ng mga pulis ang maximum tolerance basta payapa ang pag­sas­agawa ng kanilang programa o kilos protesta at hindi maaapektohan ang peace and order.

Binigyang-diin ng opisyal, hindi maglalagay ng barbed wires upang pigilin ang mga raliyista kaya umaasa ang NCRPO na magiging payapa at maayos ang sitwasyon sa gaganaping SONA ng Pangulo. (J. GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …