Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manoling, na-scam ng P16-M ni Margaret Ty

MAGING ang pamilya ni dating PCSO chairman Manuel “Manoling” Mo­ra­to ay na-swindle rin ng itinakwil na anak ng yumaong Metrobank founder George Ty na si Margaret Ty-Cham sa halagang P16 milyon na naging basehan para sampahan siya ng kasong estafa. 

Napag-alaman, bago yumao ang bilyonaryong Ty nitong nakaraang taon, sumulat si Morato sa kanya para humingi ng tulong dahil sa hindi pagbabayad ni Ty-Cham ng iba’t ibang klaseng alahas na pag-aari ng pamilyang Morato na may kabuuang halaga na P16 milyon.

Ayon kay Morato, naitakbo ni Ty-Cham ang isang 18-karat bracelet na binili pa sa isang sikat na alahero sa Madrid, Spain,  isang 11-carat diamond na singsing, isang pares ng diamond na hikaw at isang singsing na binili pa ng yumaong ama nila na si Tomas B. Morato mula sa Duchess of Barcelona noong 1949 sa Spain.

Matatandaan, nauna rito ay may nakasampang pitong kaso ng estafa at paglabag sa Bouncing Checks Law sa iba’t ibang korte laban kay Ty-Cham at dalawang civil case dahil sa annulment of contract at hindi pagba­bayad ng utang  sa credit cards.

Sa pahayag ni Morato, ang kabuuang halaga ng mga mamahaling alahas na nakuha sa kanyang pamilya ay mahigit P20 milyon, pero ito ay natawaran umano ni Ty-Cham ng P16 milyon nang makombinsi niya si Morato na ibenta ang mga alahas noong 2017.

Nang sumulat si Morato sa matandang Ty noong Enero 2018, siyam na buwan nang hindi nakapagbabayad si Ty-Cham sa utang niyang P16 milyon na lubhang ikinabahala at ikinagalit ng ibang kapatid ni Morato, dahil ang mga alahas ay pamana ng kanilang yumaong ina na si Doña Consuelo Lim Morato at pag-aari nilang lahat na magkakapatid.

Si Morato, na ngayon ay 85 anyos na, ay umapela kay Ty sa kanyang sulat na bayaran na muna ang utang ni Ty-Cham dahil ang mga inisyung post-dated na tseke na pambayad sa mga alahas ay tumalbog lahat.

Ilang beses rin nangako si Ty-Cham na magbabayad pero walang nangyari, ani Morato.

Ayon kay Morato, nangako pa noon si Ty-Cham na babayaran ang utang kapag nakuha na ang komisyon sa isang malaking bentahan ng lupa pero wala rin nang­yari rito.

Sinabi ni Morato, pinagbigyan niya si Ty-Cham dahil hindi niya sukat akalain na ang anak ng isang iginagalang sa buong mundo na si George Ty ay magaga­wang lokohin ang kani­lang pamilya.

Isa sa mga ebidensiya ni Morato laban kay Ty-Cham ang authorization letter na pirmado ng ina ni Ty-Cham na si Lourdes de Lara.

Nang magpalabas ang matandang Ty ng public notice noong bandang Oktubre 2017 na pinuputol ang anomang relasyon kay Ty-Cham, nagulat si Morato.

Aniya, kung alam lamang niyang may alitan pala ang pamilya, hindi na niya sana pinaunlakan pa si Ty-Cham.

Sabi ni Morato, ang transaksiyon niya kay Ty-Cham ay hindi pa sakop ng  public notice na ipina­labas ng mga abogado ni Ty dahil ang alahas ay nakuha ni Ty-Cham bago mag-Oktuber 2017.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …