Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Walang korupsiyon garantiya ni Duterte sa Japanese investors

TOKYO – Tiniyak ni Pangu­long Rodrigo Du­ter­te sa mga negosyan­teng Hapones na walang makasasagabal sa kanil­ang pamumuhunan sa Filipinas dahil papatayin niya ang problema.

Aabot sa P300-B ang ilalagak na kapital ng Japanese investors sa Filipinas na lilikha nang mahigit 80,000 trabaho para sa mga Pinoy batay sa mga trade agreement na nilagdaan ng Filipinas at Japan sa pagbisita ng Pangulo.

“May I just assure you that during my time I said there will be no corruption. And every Japanese investor in my country however small, however big, I can assure you that if there’s any complaint regarding hindrances, obstruction or outright corruption, let me know,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa business forum sa Imperial Hotel.

Anomang oras, aniya, ay puwede siyang istorbohin ng Japanese investor sa Filipinas ka­pag may naging suliranin sa kanilang negosyo.

“I will give you at any hour of the day or night you can contact any of the Cabinet members or your Filipino lawyers or Filipi­no workers, and you can ask an audience with me in 24 hours and I will talk to you and just let me know what your problem is and we will kill that problem,” giit niya.

Itataya ng Pangulo ang kanyang karangalan kapag hindi niya natupad ang kanyang garantiyang ligtas at maayos na nego­syo para sa mga Hapones sa ating bansa.

Kaugnay nito, hinika­yat ng pangulo ang mga mamumuhunang Hapo­nes na sumali sa Build Build Build program  ng gobyerno.

Tiniyak ng pangulo, sa harap ng magandang macro economic policies ng kaniyang adminis­trasyon, ginaga­rantiya­han niya ang isang com­petitive at corruption-free business climate sa bansa at ang katiyakang mahu­husay at mabibilis matu­to ang ating mga  mang­gagawa.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …