Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gastos pag-uwi ng labi ni Dayag mula Kuwait kinargo ng DFA

SASAGUTIN ng Depart­­ment of Foreign Affairs (DFA) ang gastusin sa pagpapauwi ng labi ng overseas Filipino works (OFWs) na napatay ng kanyang employer sa Kuwait kamakailan.

Nagpaabot ng pakiki­ramay ang ahensiya sa pangunguna ni Secretary Teodoro  “Teddy” Locsin sa pamilya ng OFW na namatay nang dalhin sa Al-Sabah Hospital, Ku­wait nitong 14 Mayo na idineklarang dead on arrival.

Kinilala ang bikti­mang OFW na si Ma. Constancia Lago Dayag, tubong Cauayan, Isabela na nauna nang napaulat na minaltrato at sinaktan ng kanyang employer na naging dahilan ng kan­yang pagkamatay.

Sinabi ni Embassy Charge d’Affaires Mohd Noordin Pendosina N. Lomondot, nagbigay ng assistance ang Ministry of Foreign Affairs ng Kuwait para mailabas ang forensic report sa loob ng apat hanggang anim na linggo.

Sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Kuwait, ang DFA ay ku­ku­ha ng abogado para masampahan ng kasong kriminal ang kanyang employer na responsable sa pagkamatay ni Dayag.

Wala pang petsa kung kailan darating ang labi ng Pinay worker sa bansa dahil ipinoproseso pa ang kanyang papales.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …