OPISYAL nang idineklara ng board of canvassers si Isko Moreno bilang susunod na mayor ng Maynila pagkatapos ng 2019 local (midterm) elections.
Si Moreno, dating vice mayor at tumakbong senador noong 2016 elections pero nabigo, ay nakatanggap ngayon ng 357,925 boto para talunin si incumbent Mayor Joseph Estrada na nakakuha ng 210,605.
Pumangatlo si dating mayor Alfredo Lim sa botong 138,923.
Ang running mate ni Isko na si Honey Lacuna ay naunang naiproklama bilang susunod na vice mayor ng lungsod kahapon.
Sa pagkapanalo nina Isko at Honey, itinuring na epektibo ang ginawang kampanya ng Batang Maynila sa pangunguna ni mayor-elect Isko Moreno sa ginanap na eleksiyon sa lungsod ng Maynila.
Bukod sa dalawa, majority rin sa mga konsehal sa partido ng Batang Maynila ang nanalo sa nagdaang eleksiyon mula sa anim na distrito na masasabing bagong kasaysayan ang 9-0 panalo ng partido sa 3rd disrito ng lungsod.
Kaugnay nito, naglabas ng pormal na pahayag ang Batang Maynila mayor-elect para sa mga sumuporta at tumulong sa kanilang tagumpay.
Aniya, “Maraming salamat po sa Diyos. Maraming salamat po sa Batang Maynila na lumahok sa demokratikong prosesong ito.
“Natanggap na natin ang hatol ng bayan, at malaking hamon ang aming haharapin ni Vice Mayor Honey Lacuna sa pagtupad ng ating pangarap na maiangat ang antas ng pamumuhay sa lungsod ng Maynila.
“Ito na ang panahon para tayong mga Batang Maynila ay magtulungan at magkaisa tungo sa ating pangarap para maiangat ang antas ng pamumuhay sa lungsod ng Maynila.
“Makaaasa po kayo sa amin ni Vice Mayor Honey Lacuna na pagbubutihin namin ang aming trabaho upang makamit natin ang pag-asenso ng bawat Manileño.
“Muli, marami pong salamat sa inyong lahat.” pagwawakas ni mayor-elect Moreno.
Narito ang iba pang nahalal sa Maynila:
Sa District 1, congressman Manny Lopez at ang mga konsehal na sina Dionix Dionisio, Bobby Lim, Banzai Nieva, Peter Ong, Irma Alfonso, at Jesus Fajardo.
Sa District 2, congressman CRV Roland Valeriano at ang mga konsehal na sina Uno Lim, Awi Sia, Macky Lacson, Edward Tan, Roma Robles, at Jem Buenaventura.
Sa District 3 proklamado na rin bilang congressman si Yul Servo Nieto, at mga konsehal sina Apple Nieto, Fa Fugoso, Jong Isip, Joel Chua, Terence Alibarbar, at Letlet Zarcal.
Sa Distrcit 4 nama ay si congressman Edward Maceda, at ang mga konsehal na sina Louie Chua, Krys Bacani, Wardee Quintos, Science Reyes, JTV Villanueva, at DJ Bagatsing.
Sa Distrcit 5, si congresswoman Crystal Bagatsing, at ang mga konsehal na sina Erwin Tieng, Laris Borromeo, Mon Yupangco, Joey Hizon III, Boy Isip, at Charry Ortega.
Sa District 6, proklamado na rin si congressman Benny Abante at ang mga konsehal na sina Joel Par, Princess Abante, Philip Lacuna, Christian Uy, Caloy Castaneda, at Lou Veloso.
HATAW News Team
WAGI SA SOUTH METRO MANILA
ITINAAS ang kamay kahapon ng Commission on Election (COMELEC) ang ilang nanalong kandidato sa south Metro Manila.
Sa Makati City, iprinoklama si Abby Binay bilang reelectionist mayor ng lungsod, na nakakuha ng 179,522 boto at tinalo ang kapatid na si Junjun, na nakakuha ng botong 98,653.
Kasama rin sa iprinoklama ang mister ni Abby na si Luis Campos bilang nanalong kandidato sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito, na nakakuha 90,736 at tinalo si King Yabut, na may botong 63,245.
Ipinoklama rin si dating OIC mayor Romulo “Kid” Peña, na nanalong congressman sa unang distrito ng lungsod dakong 4:32 am.
Nakasungkit si Peña ng botong 71,035 at tinalo si dating vice president Jejomar Binay Sr., na nakakuha ng botong 65,229.
Itinaas rin ang kamay ni Monique Lagdameo na iprinoklama bilang bise alkalde ng lungsod, na nakasungkit ng botong 182,655 at tinalo ang action star na si Monsour Del Rosario, na may boto namang 105,153.
Sa siyudad ng Las Piñas 11:30 pm kamakalawa nang iproklama ng Comelec sina Mayor Imelda Aguilar bilang mayor-elect, gayondin ang anak na si April, na nanalo namang vice mayor ng lungsod, at ang anak ni Senadora Cynthia Villar na si Camille, nanalo bilang congresswoman.
Iprinoklama si Aguilar matapos makuha ang botong 170,972 at ang anak na si April ay 161,789 boto.
Sa Muntinlupa City, 10:00 am nang iproklamang nagwagi si incumbent mayor Jaime “Jimmy” Fresnedi, congressman Ruffy Biazon, at vice mayor-elect Temy Simundac.
Sa area ng Taguig City, 2:30 pm, iprinoklama sina dating senador at Department of Foreign Affairs (DFA) secretary Alan Peter Cayetano, bilang nagwaging kongresista ng unang distrito, ang misis na si Mayor Lani, na nagwaging congresswoman sa ikalawang distrito at ang kapatid na si Lino, nagwaging alkalde sa lungsod.
Sa Parañaque City, nangunguna ang “Team Olivarez” sa pamumuno ni Mayor Edwin; kapatid na si congressman Eric; vice mayor Rico Golez, at ang lahat ng mga kaalyadong konsehal na nakatakdang iproklama ng Comelec.
Samantala sa Pasay City, nanguna sa pagka-alkalde si dating congresswoman Imelda “Emi” Calixto-Rubiano, kapatid na si Mayor Antonino “Tony” Calixto, bilang kongresista, at si Boyet Del Rosario bilang vice mayor na nakatkda na rin iproklama.
Sa bayan ng Pateros, iprinoklama rin kahapon ng Comelec si reelectionist mayor Ike Ponce.
Nasungkit niya ang botong 18,370 at tinalo ang katunggaling si Doc Willie Buenaventura, na nakakuha ng botong 8,775.
Gayondin si Gerald German, na nagwaging bise alkalde, na may botong 14,600 at tinalo si Carlo Santos, na may botong 11,729.
(JAJA GARCIA)
RESULTA SA CAMANAVA
ITINUTURING na nangunguna na kahit hindi pa natatapos ang bilangan sa Caloocan, Malabon, Navotas. at Valenzuela ang mga nangunguna sa bilangan.
Ilang mga kandidato ang maituturing na panalo dahil sa laki ng lamang ng boto kahit hindi pa maiproklama dahil hinihintay na matapos ang bilangan.
Dakong 3:50 pm, sa 98.45% election returns ay nangunguna pa rin ang kasalukuyang alkalde ng Caloocan na si Mayor Oscar “Oca” Malapitan na may 423,072 boto, sinundan ng kalaban niyang sina Emil Trinidad na may 4,260 boto; Raffy Bayon-on, 3,763; Ronnie Mayunes, 3,101, at Ed Sevilla na may 2,361 boto.
Walang kalaban si bise alkalde Maca Asistio na may 369,790 boto.
Pasok sa pagkakonsehal ng 1st District sina Enteng Malapitan, 247,403 boto; Karina The, 215,873; Dean Asistio, 209, 209; Pj Malonzo, 201, 372; Jay Africa, 182, 011, na sinundan nina Alou Nubla, Inar Trinidad, Ernesto Palma, Roberto Aquino Jr., Botchoy Gadon, Tyrone De Leon Sr., Pastor Orbe, Salvador Lipata Jr., Isidro Balanday, at Elmar Santarin.
Sa 2nd District ay pasok sina Doc Ed Aruelo na may 95, 085 boto, LA Asistio, 94,506; Obet Samson, 92,728; Alex Mangasar, 88, 77; Rose Mercado, 82,262; Carding Bagus, 77,299 na sinundan nina Chito Abel, Dennis Macalintal, Joseph Timbol, Arnold Blanco, Roy Valencia, Bishop Boy Espiritu, Lauro Arcadio Jr., Jeffpril Felix, Ronald Gadayan, Rodolfo Salangsang at Blam-Blam Tayao.
Sa pagka-kongresista naman ay lumamang si Edgar Erice na nakakuha ng 123,824 boto laban kay Noel Cabuhat na may 13, 282 boto sa ikalawang distrito, habang walang kumalaban sa unang distrito kay Along Malapitan na nasa 278,441 ang boto.
Sa Lungsod ng Malabon (sa parehong oras) may 98.86% election returns ay nangunguna sa pagiging alkalde si incumbent Mayor Len Len Oreta na nakakuha ng 99.425 boto laban kay Jeannie Sandoval na nakakuha ng 55, 579.
Sa pagka-bise alkalde ay nanguna si Ninong Dela Cruz na nagkamit ng 82,705 boto laban kay Maricar Torres na nasa 63,531 ang nakuha.
Sa mga konsehal, pasok din sa 1st district sina Jap Jap Garcia na may 48,481 boto, Leslie Yambao, 47,467; Edwin Dimagiba, 45,286; Paulo Oreta, 42,517; Danilo Dumalaog, 39,110 na sinundan nina Ona Payapa, Jon Cruz, Joey Sabaricos, Mac Tiangco, Miel Delos Reyes, Rj Yambao, Reinos Cortez at Con-Con San Juan.
Sa 2nd district, nanguna si Enzo Oreta na may 39,473 boto, sinundan ni Dado Cunanan, 37,849; Edward Nolasco, 36,919; Nadja Marie Vicencio, 34,762; Sonia Lim, 34, 728, na sinundan nina Peng Mañalac, Mark Roque, Rom Cunanan, Jojo Lee, Jeny Laquez, Ivy Geronimo, Jc Cagaanan, Sally Trinidad, Monet Pabustan, Lorenzo Enriquez, at Robert Aurel Ballentos habang nanguna sa pagkakogresista si Jaye
Lacson-Noel na may 84, 856 boto laban kay Ricky Sandoval na nakakuha ng 64, 902 boto.
Samantala sa 99.37% election returns sa lungsod ng Navotas, nanguna sa pagka-alkalde si dating congressman Tobias Tiangco na nagkamit ng 78,778 boto laban kay Di Ang, may 33,216 boto.
Sa bise alkalde, muling nanalo sa vice mayor Clint Geronimo, may 62,460 boto laban kay RC Cruz na may 46,480 boto, sa pagkakongresista ay nanalo rin ang dating alkalde na si John Rey Tiangco na nagkamit ng 80,265 boto laban kay Mariel Del Rosario na may 30,050 boto.
Nangunang konsehal ng 1st District si Julia Monroy, 33,255, na sinundan nina Atty. Ej Arriola, 31,181; Jack Santiago, 30,995; Tarok Mano, 27,560; RV Vicencio 24,860; Alvin Jason Naval, 24,578, habang sa 2nd district naman ay nanguna si Kap. Tito Sanchez, 36,534 na sinundan nina Arnel Lupisan, 32,309; Neil Cruz, Migi Naval, Don De Guzman at iba pang hindi nakapasok sa pang-anim na puwesto.
Sa lungsod ng Valenzuela, sa 99.76% election returns ay nanguna sa pagka-alkalde si Rex Gatchalian na may 248, 911 boto.
Sinundan nina Bong Go (tokayo ng tumakbong senador), kasunod si Bien Español na napakalaki ng lamang. Sa bise alkalde ay walang kalaban si Lorie Natividad-Borja, sa pagkakongresista sa 1st District ay walang kalaban si Wes Gatchalian, sa 2nd district ay nangunguna si Eric Martinez sa 106,848 laban sa 37,935 boto na natanggap ni Magi Gunigundo.
Pasok sa pagkakonsehal ng 1st district sina Rovin Feliciano, Ricar Enriquez, Ramon Encarnacion, Jenny Pingree, Ghogho Lee, at Bimbo Dela Cruz.
Sa 2nd District ay nanguna si Charee Pineda na sinundan nina Kim Galang, Tyson Sy, Nina Lopez, Louie Nolasco at Chiqui Carreon.
(JUN DAVID)