Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barangay vehicle niratrat sa Munti

ISANG sasakyan ng barangay ang pinaulanan ng bala ng hindi kilalang mga suspek sa Muntin­lupa City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat na natanggap ng Muntinlupa City Police, 4:20 am kahapon nang maganap ang insi­dente sa Marina Heights Avenue, Brgy. Sucat ng naturang siyudad.

Nabatid, habang nag­kakape ang mga tanod na sina Roger Oliva Jr., Tauton Francisco Jr., at Florencio Dabu  sa waiting shed, biglang pinaulanan ng bala ng hindi kilalang suspek ang sasakyan ng barangay.

Ang mga suspek ay sakay ng isang kulay itim na Starex at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.

Mabuti anila at wa­lang nadisgrasya sa pa­ma­­maril  maliban sa nabasag na salamin ng sasakyan ng barangay at maraming tama ng bala.

Iniimbestigahan ng pulisya ang naturang pamamaril at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

 (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …