Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ITINUTURO ni NCRPO chief, P/BGen. Guillermo Eleazar ang walong suspek  na nahuli sa vote buying sa Brgy. San Isidro, Makati City sa isinagawang raid kamakalawa ng gabi sa lugar, 11 May 2019.

8 ‘tauhan’ ni Abby Binay timbog sa vote buying

Mayor Binay ‘itinuro’ sa vote-buying (Ulat sa Bayan leaflets nabuyangyang)

NADAKIP ng NCRPO Regional Special Ope­rations Unit (RSOU) ang walo katao na pinaghi­hinalaang tauhan ni Makati Mayor Abigail Binay sa kasong vote-buying.

Sa isinagawang ope­ra­syon sa pangunguna ni NCRPO chief, P/BGen. Guillermo Eleazar, naga­nap ang vote-buying sa Barangay Hall ng San Isidro, 2246 Marconi St., Makati City dakong 10:45 kagabi, 11 Mayo, 2019.

Base sa ulat, nadakip sina Karen May Matibag, barangay treasurer; Medlyn Joy Ong, bara­ngay secretary; Marie Antoniette Capistrano, admin; Wenifredo M. Ong, Mario Luie M. Siriban, Adrian

Chiapoco, Joun Brian Matibag, at Ma. Liberty Dacullo.

Nabatid, nakita sa isinagawang operasyon  na  nakatakda silang ma­mahagi ng pera sa 55 katao.

“The arrest of the suspects stemmed from information received by the RSOU that there is ongoing vote buying and selling on the above mentioned area,” ayon sa ulat ni Eleazar.

Sinabi sa ulat na kaagad nagpadala ng operatiba ang NCRPO sa naturang lugar upang berepikahin ang impor­masyon.

“Upon arrival in the area, the above mentioned suspects were caught in the act of vote-buying and selling,” banggit sa ulat.

“Immediately, the operatives informed them of their violations and effected arrest,” saad sa ulat ni Eleazar.

Nakompiska sa ope­rasyon ang 829 piraso ng tig-500 pesos na nagka­kahalaga ng P420,000; 19 assorted IDs, 2 boxes ng Ulat sa Bayan leaflets ni Mayor Binay, 20 cell­phone, at listahan ng botante na may address at polling precinct.

Kaagad dinala sa NCRPO ang mga suspek at ang mga nakuhang ebidensiya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …