Saturday , July 2 2022

Mayor Binay ‘itinuro’ sa vote-buying (Ulat sa Bayan leaflets nabuyangyang)

8 ‘tauhan’ ni Abby Binay timbog sa vote buying
8 ‘tauhan’ ni Abby Binay timbog sa vote buying

POSIBLENG maharap sa diskalipi­kasyon si Makati City Mayor Abigail Binay sakaling mapatunayan ang pagkakasangkot niya sa “vote buying” makaraang mahuli ang nasa 60 katao kabilang ang tatlong opisyal ng barangay sa naturang lungsod kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga opi­syal na sina Karen May Mati­bag, barangay treasurer; Medlyn Joy Ong, barangay secretary; at Marie Antoinette Capistrano, admin officer ng Barangay San Isidro, sa naturang lungsod.

Kabilang sa mga sinasabing bumibili ng boto ay sina Wenifredo Ong Jr., Mario Louis Siriban, Adrian Chiapoco, John Brian Matibag, at Ma. Liberty Dacullo.

Sa ulat ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), ban­dang 10:45 kagabi nang magkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Regional Special Ope­rations Unit (RSOU) sa barangay hall ng San Isidro sa No. 2246 Mar­coni St., matapos maka­tanggap ng impormasyon hinggil nagaganap na bentahan ng boto.

Inabutan ang mga suspek sa loob ng bara­ngay hall at nakompiska ang P500 bills na may kabuuang halagang P410,000 kasama ang listahan ng mga botante’t presinto at Ulat sa Bayan leaflets ni Mayor Abby Binay.

Sa 52 naaresto, marami sa kanila ay mga senior citizen.  Kabilang si Nena Delos Santos, 63, na napilitang matulog sa lapag ng detention area sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Inireklamo rin niya ang pagtaas ng presyon ng kanyang dugo dahil sa init at kawalan ng tulog.

Nakatakdang sam­pa­han ng kasong pagla­bag sa Section 261 ng Omnibus Elections Code of the Philippines ang mga nadakip na suspek.

HATAW News Team

 

About hataw tabloid

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

One comment

  1. very cool post, i actually like this web site, carry on it

Leave a Reply