Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagtatapon ng wastewater sa Marikina River, huhulihin ng PRRC

Nagsasagawa ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ng masusing imbestigasyon sa sinasabing ilegal na pagtapon ng wastewater sa Marikina River.

Ikinasa ang opera­syon nang mai-tag ang mga opisyal ng PRRC sa Facebook viral video na ipinaskil ni Abdusalla Monakil, isang concerned netizen, na makikitang nagdidiskarga ng kemikal na isang ebidensiya ng liquid waste pollution sa Marikina River.

Dahil pangunahing tributaryo ang Marikina River ng Pasig River, ina­tasan ni PRRC Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia ang agarang imbestigasyon sa ilang establisimyento na hinihinalang sanhi ng polusyon sa ilog at para matiyak na rin kung su­mu­sunod sa mga regu­lasyon.

“Gagawin namin ang lahat ng administratibo at legal na aksiyon upang matiyak nating maipa­sara ang lahat ng esta­blisimyentong komersiyal at industriyal na sanhi ng polusyon sa ating mga ilog,” sabi ni Goitia.

Binigyang diin ni Goitia na dapat supor­tahan ng local government units (LGUs) na nasa tabing ilog ang pagkilos ng pamahalaan upang maprotektahan ang mga daanang tubig.

Bukod rito, patuloy ang pagkuha ng PRRC ng mga basurang lumulu­tang sa Manila Bay patu­ngong Pasig River na isang indikasyon dahil sa paggalaw ng alon nga­yong panahon ng tag-araw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …