Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cotabato mayoralty bet, pinopondohan ng ISIS?

MATINDI ang hangarin ng isang mayoralty bet ng Cotabato City na ma­na­lo sa eleksiyon nga­yong darating na 13 Mayo dahil nagmumula na umano sa inter­national terrorist group na Islamic State of Iraq & Syria (ISIS) ang cam­paign funds matiyak lang ang panalo sa elek­siyon.

Itinuro ang kandi­dato na isang congress­woman Bai Sandra Sema, ina umano ng kom­pirmadong ISIS na si Datu Muhammad Ab­duljabbar Sema.

Nabatid mula sa isang source, mayroong nakalaang pondo ang ISIS para sa kandi­da­tura ni Rep. Sema sa pagka-alkalde ng Cota­bato City.

Ang transaksiyon umano para mapon­do­han ang kandidatura ni Sema ay dahil mayroong mata­as na posisyon ang anak niyang si Abdul­jabbar Sema sa teroris­tang ISIS na direktang konektado sa Maute group.

Ang anak ni Sema ay sinasabing direktang res­ponsable sa 2016 Davao Night Market blast na kumitil sa 14 katao at nakasugat ng 17 sibilyan.

Si dating PNP Chief at senatorial bet Gen. Ronaldo “Bato” Dela Rosa mismo ang nagkom­pirma ng koneksyon ni Abduljabbar sa ISIS.

Ayon kay Bato, si Abduljabbar Sema ang utak ng Davao Night Market Blast.

“Siya ang nagbigay ng sasakyan at nag-operate ng bombing ope­ration. Siya rin ang brain. Siya ang nangungunang propagator ng ISIS dito sa Filipinas at siya rin ang nagpapakalat ng extre­mism,” ani Bato sa isang pahayag matapos ang pagsabog noong 2016.

Nauna nang napa­ulat na tumakas si Ab­dul­jabbar Sema patu­ngong Malaysia, gayon­man nabigo ang mga awtoridad na siya ay maikulong.

Matatandaan na ipi­nagmamalaki ni Rep. Sema na mayroon siyang hindi matatawarang su­porta kay Duterte dahil sa pagiging tagapag­ta­gu­yod ng BOL at gayon­din sa mga nakaupo sa BARMM.

Nangangamba ang mamamayan ng Cota­bato City na gagamitin ni Rep. Sema ng lahat ng dirty tactics manalo lang sa eleksiyon kabilang rito ang pondong mangga­galing umano sa ISIS at ang koneksiyon niya kay Duterte.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …