Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
electricity meralco

Sa Meralco sweetheart deals… ERC officials binalaan ng Bayan Muna

NAGBABALA ang Bayan Muna laban kay Chairman Agnes Deva­nadera ng Energy Regulatory Com­mission na ihahabla sakaling hindi ipawalang-bisa ang sweetheart deals ng Meralco at sister companies nito.

Ayon kay dating kongresista at ngayon ay kandidato para senador na si Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, nakatangap sila ng impormasyon na hahayaan ng ERC ang sweetheart deals ng Meralco sa pitong kom­panya na nagsusuplay ng koryente sa kanila.

Binalaan ni Zarate si Devanadera na huwag magkamaling gawin muli ang ginawa ng mga dating opisyal ng ERC na su­mangayon sa mga kon­trata ng Meralco at sa pitong sister companies.

Ayon kay Zarate, dapat ibasura ni Deva­nadera ang mga deal dahil taliwas ito sa utos ng Korte Suprema na mag­karoon ng bidding sa mga magsu-supply ng kor­yente sa distribution com­panies gaya ng Meralco bago pumirma ng kon­trata sa pagsu-supply ng koryente sa kanila.

Ayon kay Zarate, kuwestiyonable ang mga power supply agreements (PSA) ng Meralco sa mga sister companies nito dahil hindi ito dumaan sa competitive selection process (CSP).

“While earlier ERC accommodations for the Meralco PSAs came before Devanadera assumed ERC’s leadership, we guarantee that any attempt on her part to approve the PSAs despite clear findings of violations would earn for her criminal and adminis­trative charges,” ani Zarate.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …