Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bingbong pag-asa ng taga-QC (Desmayado sa palpak na serbisyo)

LAGPAK na serbisyong medikal, mapanlinlang na pabahay ng city govern­ment, at kawalan ng sariling unibersidad sa Quezon City.

Ilan ito sa napaka­raming dahilan kung bakit tumindig bilang mayoralty candidate si Cong. Vincent Bingbong Crisologo ng PDP-Laban kasabay ng napakalakas na suporta ng mamama­yan upang ipagtanggol ang mahihirap na resi­dente ng QC kontra sa katunggaling bise alkalde na si Joy Belmonte.

Ayon kay Crisologo, sa loob nang halos 27 taon ng mga Belmonte sa city hall, wala silang ginawa kundi ang magpakasasa sa kanilang puwesto at hindi nakaisip na iprayo­ridad ang kapakanan ng mga maralita sa pama­ma­gitan ng matinong social services gayong nag-uumapaw ang P19 bilyong koleksiyon nitong nagdaang taon.

Iginiit ni Crisologo, panahon na para magka­roon ng libreng serbisyong medikal sa lahat ng public hospitals sa lungsod, free school uniforms sa mga mag-aaral at dagdag suweldo sa teachers.

Ipinagdiinan ni Cri­sologo, matagal nang napag-iwanan ang QC ng mga karatig siyudad sa Metro Manila samantala napakayaman ng QC kaya’t panahon na umano para sa tunay ng pagba­bago sa lungsod.

Nabatid na maraming mga tauhan ng city hall ang naniniwala at naka­pa­pansin na mga Belmon­te ang nagpapatakbo sa city hall kahit iba ang kasalukuyang mayor ng QC.

Marami aniyang resi­dente sa QC ang natata­kot na mawala ang ‘transparency’ dahil unti-unting nilalamon ng mga Belmonte ang bawat distrito ng QC.

Maraming  residente sa QC ang nagtatanong dahil kitang-kita at ram­dam pa umano nila ang pagmamaniobra  ni da­ting mayor Sonny Bel­monte sa city hall, sa pama­magitan ng pagka­kapuwesto ng anak niyang si Joy bilang vice mayor. Nasa poder pa rin umano sina councilors Ollie Belmonte ng District 1; Irene Belmonte ng District 4; Kit Belmonte ng District 6; SBP Cong. RJ Belmonte habang 3rd nominee si Vincent Bel­monte at paporma na rin si Miguel Belmonte sa pagiging konsehal ng District 2, na malinaw na pamamayagpag ng poli­tical dynasty sa siyudad.

Desmayado nang husto ang mga taga-QC dahil kahit palpak ang performance ay may gana pa umanong tumakbo si Joy B., gayong hindi naki­taan ng pagmamalasakit at mahina umanong mag­de­sisyon nang tama para sa buong siyudad.

Naniniwala ang mara­mi na tanging si Crisologo ang karapat-dapat na maging Mayor ng QC dahil sa angking talino, malasakit at handang ipaglaban ang mama­mayan sa oras ng kani­lang kagipitan taliwas sa kakayahan ni Belmonte na hindi man lamang bumababa sa depressed areas ng QC kung kaya’t hindi siya maramdaman at sa halip ay madalas na mascot lamang ang ipina­dadala sa tuwing nanga­ngampanya sa informal settlers ng QC.

Nakuha ni Crisologo ang buong pagtitiwala ng mamamayan dahil sa direktang implemen­ta­syon ng kanyang mga programa katulad ng pagpapabuti ng social services gaya ng libreng paospital, libreng unipor­me sa eskwelahan, free WiFi, suporta sa maliliit na negosyanteng nais mag­simula ng negosyo, pag-angat ng kalagayan ng mga nakatatanda, dag­dag na suweldo sa mga empleyado ng city hall, sariling unibersidad sa siyudad, pagkontra sa napakataas na amilyar na sinisingil ng city govern­ment at iba pa.

Sa kasalukuyan, na­na­na­tiling number one sa lahat ng mga survey si Crisologo at saan man dako ng QC, patuloy na lumalakas, isinisigaw at tinatangkilik ng mama­mayan ang nag-iisang pag-asa ng lungsod na itinuturing ng mga mara­lita bilang susunod na “Ama ng Lungsod Quezon.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …