Thursday , May 8 2025

Perjury vs Tiger Resort exec ibinasura… Okada malas

PATULOY ang legal na pagkabigo ni Japanese gaming tycoon Kazuo Okada na kailan lang ay ipinaaaresto ng korte dahil sa ilegal na paglus­tay nang milyon-milyong pondo ng magarang Okada Manila sa Para­ñaque City.

Sa pagkakataong ito, ibinasura ng prosecutor ang mga kasong perjury na isinampa ng kompaya ni Okada na Aruze Phils. Manufacturing Inc. (APMI)  laban sa chief exe­cutive adviser ng Tiger Resort Leisure & Enter­tainment Inc., ang may-ari Okada Manila.

Kasama si Okada, inakusahan ng TRLEI ang APMI ng estafa dahil sa pagpanggap nito bilang manufacturer ng light emitting diode (LED) strips para sa Okada Manila.

Sa isang resolution, sinabi ni Las Piñas City Senior Asst. Prosecutor Donald Macasaet na walang elemento ng perjury sa reklamo na isinampa ni TRLEI executive Dindo Espeleta laban sa Aruze.

Idinemanda ng APMI si Espeleta ng perjury sa pagsabi sa isang estafa case laban sa APMI na nanloko ang kompanya matapos pumasok sa isang kasunduan para suplayan ang TRLEI ng LED strips para sa Okada hotel casino.

Bukod  sa ibang mga reklamo, inakusahan ni Espeleta na siyang in-charge sa LED project para sa TRLEI, ang APMI ng pagpapanggap na gumagawa ng LED strips samantala kinontrata lamang nito ang isa pang kompanya na J and J Phils. upang mag-suplay ng LED strips.

Sa reklamo ng APMI laban kay Espeleta, sinabi nito na alam ng TRLEI executive na bumibili lang ang APMI ng LED strips at nagsinunglaing nang tatlong beses sa kanyang estafa case tungkol sa usapin.

Pero sinabi ni Maca­saet sa kanyang reso­lusyon na bagamat ginawa ni Espeleta ang mga pahayag sa kanyang affidavit at sa hukuman kung saan isinampa niya ang kasong estafa, wala ang isang pangunahing elemento ng perjury — ang balak na manloko.

About hataw tabloid

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *