Wednesday , December 25 2024
INIABOT ng nagbabalik na Mayor Fred Lim (left) ang kanyang kamay upang kamayan ang anak ni Erap Estrada nang magsalubong ang kanilang motorcades sa Sampaloc, Maynila kahapon.  Kinamayan din ni Lim lahat ng kasamang kandidato mula sa kalaban niyang kampo.

Lim pinuri sa pagiging maginoo sa politika

UMANI ng papuri at palak­pakan ang nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim mula sa mga resi­dente at sup­por­ters mula sa sarili niyang kampo at ma­ging sa kam­po ng kanyang mga katung­gali sa politika nang mag­pakita ng pagka­maginoo sa pamamagitan ng pag­papahinto sa kanyang motorcade upang batiin at kamayan ang mga nasa­bing kandidato.

Sa kanyang motorcade sa G. Tuazon sa Sampaloc kahapon, nasalubong ng float ni Lim ang mga float ng mga kandidatong konse­hal mula sa tiket ng kan­yang katunggali na kasa­lukuyang alkalde Erap Estrada.

Pinahinto ni Lim ang kanyang float at inilabas ang kanyang katawan at braso upang  isa-isa niyang batiin, makamayan at sabihan ng ‘good luck’ ang mga nasabing kandidato, kasama na ang anak mis­mo ni Estrada na kandi­dato rin.

Bilang ganti ay naki­pag­­kamay din ang mga nasa­bing kandidato at nagpasa­lamat kay Lim habang ang kanilang mga kasamang supporters ay nagsipag­kaway din kay Lim, na marami ang nag ‘L’ sign at humihingi pa ng t-shirts at tarpaulins.

Nang makita ang ginawa ni Lim, nagpa­lakpakan at naghiyawan ang mga residente na nakapila sa kalsada na daraan ang float ni Lim kasabay ng paulit-ulit na pagsigaw ng “Mayor Lim! Mayor Lim!”

Ani Lim, siya ay na­gulat at natuwa sa reak­siyon sa kanya hindi la­mang ng mga kandidato kundi maging ng mga supporters nila.

Dagdag niya, ang bu­hay umano ay hindi nata­tapos sa politika lamang at wala umano siyang nakiki­tang dahilan upang maging personal o ‘di pansinin o tingnan nang masama ang mga kandidato na lumala­ban sa tiket ng kanyang mga kalaban sa politika.

“Kung saan sila masa­ya, doon sila. Inirerespeto ko ang kagustuhan ng ba­wat tao. Para sa akin, isang araw lang ang poli­tika at ‘yan ay sa araw lang ng halalan. Maski ‘yung mis­mong mga kala­ban ko talaga sa pagka-alkalde, kaka­mayan  ko rin kapag nakita ko,” pahayag ni Lim.

Para umano kay Lim, hindi niya kinakailangang gumamit ng maruming uri ng kampanya o pamomo­litika dahil siya ay tuma­takbo bitbit ang kanyang track record, gaya ng pagpapatayo ng City College of Manila (ngayon ay Universidad de Manila) na nagbibigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo; pagpapatayo ng lima sa anim na city hospitals – isa kada distrito —  na nagbi­bigay ng libreng hospital care, treatment at mga gamot;  485 daycare centers, 97 karagdagang bagong buildings para sa elementary at high school, 59 barangay health centers, at 12 lying-in clinics o paanakan gayondin ang 130 kalsada na ipina­ayos o ipina-upgrade sa ilalim ng kanyang admi­nistrasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *