Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
fire dead

Magsasaka patay sa sunog sa Davao del Sur

PATAY ang isang magsa­saka habang tinutupok ng apoy ang kaniyang bahay sa bayan ng Bansalan, lala­wigan ng Davao del Sur, nitong Sabado.

Ayon kay P/Maj. Rodante Varona, pagka­galing sa inuman ay natu­tulog ang bik­timang si Bien Rene Men­dioro Gallardo, 24 anyos, nang tupukin ng apoy ang kaniyang taha­nan sa Bara­ngay Eman sa naturang bayan, pasado 11:00 pm, nitong Sabado.

Sinabi ni Varona, nabatid sa naunang imbestigasyon na nakita ni Marvin Lascania Torreon, 22 anyos at kainu­man ng biktima, na nakita niyang nasusunog ang bahay ngunit hindi niya mai­lig­tas ang kaibigan.

Ayon sa pulisya, nag-iinuman sina Gallardo, Tor­reon at isa pa nilang kai­bi­gang magsasaka na si Lloyd Barro Teves, 35 anyos, bago maganap ang insidente.

Matapos umuwi ang tatlo, matutulog na rin sa­na si Torreon nang makita niyang nasusunog ang bahay ng kaibigan.

Narinig pa niya uma­nong sumisigaw si Gallardo at humihingi ng saklolo ngunit wala siyang makitang ligtas na mapa­papasukan sa bahay dahil nilamon na ito ng apoy.

Dagdag ni Varona, pinaniniwalaang sanhi ng sunog ang isang water heater na naiwanang naka­saksak at nag-overheat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …