Monday , December 23 2024
electricity brown out energy

Sabwatan sa maintenance breakdown ng power plants iniimbestigahan ng senado

HINDI pa rin tiyak ni Committee on Energy Chairman Senador Win Gatchalian kung may sabwatan na nagaganap sa sunod-sunod na power plant breakdown na naging sanhi ng brownout sa bansa.

Ayon kay Gatchalian, ayaw niyang direktang husgahan kung may nagaganap ngayon na sabwatan sa isyu ng power supply tulad ng naging sabwatan noon  sa kakulangan ng supply ng bigas sa merkado.

Binigyang diin ng Senador na aalamin niya sa pagdinig ng senado ang dahilan ng sunod-sunod na breakdown o pagkasira ng mga planta.

Inamin ni Gatchalian, may hawak na siyang report na nakuha sa Department of Energy ukol sa serye ng main­tenance o breakdown ng mga power plant ngunit mas makabubuting mai­pa­liwanag ito sa public hearing.

Naniniwala si Gatcha­lian sa darating na halalan walang dahilan para magkaroon ng mala­wakang brownout dahil holiday ang araw na iyon at walang mga kompan­ya at mga pabrika na gagamit ng kanilang mga koryente kaya’t may sapat aniyang supply ng koryente sa araw ng eleksiyon.

(CYNTHIA MARTTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *