Friday , April 18 2025

Asunto vs destabilizers malabo pa

HINDI pa idedemanda ng Malacañang ang mga personalidad na nabisto nilang nagsabwatan para pabagsakin ang admi­nistrasyong Duterte.

“Wala, hahayaan lang namin sila… sa ngayon ha, sa ngayon. Kasi if the plot thickens and they perform acts which are already violation of the penal laws, that’s a different story,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo kahapon.

Ang pahayag ay gina­wa ni Panelo kasunod nang napaulat na “Oust Duterte plot matrix”  na kinompirma niyang katu­lad ng hawak niyang do­ku­mento na galing kay Pangulong Rodrigo Du­terte.

Aniya, beripikado ang matrix na galing umano sa foreign intelligence source.

Nakasaad sa matrix ang pagpapasahan ng video footage ng isang alyas Bikoy ng mga taga-Vera Files, Rappler, Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), at National Union of People’ Lawyers (NUPL).

“Ang ibig sabihin, the source is Bikoy, gumawa siya ng fake news, ipina­dala niya — hindi nga alam kung sino, obviously ano ‘yun pseudo name lang o kung sinuman iyon. Ipinadala niya kay Tordesillas, ipinadala naman ni Tordesillas doon sa tatlo, tapos ikina­lat na nila, iyon lang naman ang ibig sabihin nito,” paliwanag ni Panelo.

Matatandaan kama­ka­ilan ay naging viral ang mga video footage ni alyas Bikoy na nag-akusa kina dating Davao CityVice Mayor Paolo Duterte, dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go at presidential daughter Veronica “Kitty” Duterte na sang­kot sa illegal drugs.

Hindi tinukoy ni Panelo kung sino ang nasa likod ni alyas Bikoy.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *