Monday , December 23 2024

2019 nat’l budget aprobado bago Semana Santa

INAASAHANG mala­lag­daan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 pambansang budget sa loob ng linggong ito o sa susunod na linggo, bago ang Semana Santa.

Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa harap nang patuloy na paggamit ngayon ng pamahalaan sa reenacted budget ng 2018.

Sa isang panayam sa Malacañang, sinabi ni Nograles na isinasapinal na lamang ito.

Kasabay aniya ng pagpirma ng Pangulo sa 2019 pambansang budget ay ilalabas ng Palasyo ang budget message o veto message ng pangulo.

Ayon kay Nograles, hindi hahayaan ni Pangu­long Duterte na mag-lapse into law ang pam­bansang budget nang hindi inaaksiyonan.

Isa sa nakikita ni No­grales na magiging impli­kasyon ng pagkaantala ng 2019 national budget ay pagkakapatong-pa­tong ng mga nakalinyang proyekto ng gobyerno na susustentohan, at ang mga papasok na bagong proyekto na popondohan naman ng 2020 panu­kalang pambansang budget.

Ayon kay Nograles, maganda sana ang kahi­hinatnan kung mas maraming proyektong maisasalang sa susunod na taon sa ilalim ng dala­wang pambansang bud­get na magpapang-abot, dahil mangangahulugan ito ng mas maraming Pinoy na mabibigyan ng trabaho.

Gayonman, nakapag-aalala rin aniya na baka sa dami ng mga proyekto, ay ‘mabulunan’ naman ang bansa.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *