Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Umali ‘magpapalusot’ ng P500-M pondo kahit election ban (Novo Ecijanos tumutol)

NAGHAIN ng opposition letter sa Commission on Elections ang mga kandidato ng ruling party na Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at ng local party na Bagong Lakas ng Nueva Ecija (BALANE) upang hadlangan ang pagnanais ng pamahalaang pan­la­lawigan ng Nueva Ecija na magpa­lusot ng multi-milyong pisong pondo sa kabila ng umiiral na election ban.

Sa apat-pahinang op­position letter na ipinadala kay Comelec Chair Sherrif Abas noong Lunes (25 Marso 2019), iginiit ng apat na kan­didato ng PDP-Laban/BALANE na hindi dapat payagan ng Comelec ang hiling ni incumbent Governor Czarina Umali na magpalabas ng P500 milyon para sa iba’t ibang proyekto sa kabila nang umiiral na election ban.

Ito ay pirmado nina Virgilio Bote, provincial chairman ng PDP-Laban at kandidato sa pagka-gobernador ng Nueva Ecija; Board Member Edward Thomas Joson, kandidato sa pagka-bise gobernador; reelectionist 3rd District Rep. Rosanna V. Vergara; at reelectionist 1st District Rep. Estrelita B. Suansing.

“We received infor­mation that our incum­bent governor filed an action before the Comelec requesting for the uti­lization of budget items of the province of Nueva Ecija during the election ban period under the Omnibus Election Code,” saad sa petisyon.

Copy-furnished sa naturang petisyon ang opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Aquilino “Koko” Pimen­tel, chairman ng Senate electoral reforms and people’s participation, at Rep. Sherwin Tugna ng House committee on suf­frage and electoral reforms.

Nangangamba ang mga opisyal na baka ga­ya­hin ng ibang local government units (LGUs) ang pagbalewala sa Omnibus Election Code kung papayagan ang hirit ni Umali na magpalusot ng pondo sa kabila nang umiiral na election ban ng Comelec.

Sa pagbusisi sa natu­rang budget exemption, malinaw umano na gus­tong pondohan ni Umali ang mga programang makatutulong sa kani­lang pangangampanya.

Si Umali ay kuma­kan­didato sa pagka-kongresista sa ikatlong distrito ng Nueva Ecija, habang ang kanyang espo­­­so na si Aurelio Uma­li ang hahalili sa kanyang iiwang puwesto sa pagkagobernador; at ang bayaw na si Anthony Umali ay kumakandidato sa pagka-bise gober­nador.

Ayon sa mga opisyal, nakapagtataka umano kung bakit ngayon lang ilulusot ng provincial government ang “aid to component LGUs” na nagkakahalaga ng P100 milyon at kung bakit bubuhusan nang mala­king pondo ang “Aid to Vice Mayor’s League.”

“Malinaw naman kung ano ang kanilang pakay kung bakit kai­langang ilusot ang P500 milyon. Popondohan nila ang projects at programs to advance their election agenda at hindi para tulungan ang aming mga kalalawigan,” ani Bote.

“Wala sigurong pro­blema sa pagpapa­labas ng pondo kung ito ay para sa totoong programa sa aming mga kalalawigan. May umiiral na election ban sa pagpapalabas ng pondo, pero itong aming gobernador ay nagpu­pumilit na magpalusot ng P500 milyong pondo. Hindi maiwasang mag­duda na baka gamitin ito sa kanilang pangangam­panya,” giit ni Joson.

Hiling ng mga kandi­dato, ibasura ng Comelec ang hirit na exemption ng gobernadora sa pagpapa­labas ng pondo ng probin­siya dahil magagamit lamang umano ito sa pangangampanya ng mga Umali at hindi para sa ikabubuti ng kanilang mga kalalawigan.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …