Monday , December 23 2024

Dinismis ng piskalya… Suspek sa Silawan ‘murder’ hulihin — Digong

IPINAAARESTO muli ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang suspe sa pagpatay kay Christine Silawan na pinalaya ng piskalya.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Koronadal, South Co­tabat­o kamakalawa ng gabi na tinawagan niya ang fiscal sa Cebu City na nagpasya na pakawalan ang suspek sa pagpatay sa dalagitang binalatan ang mukha.

Ayon sa Pangulo, binigyang diin niya sa fiscal na dapat niyang i-recall ang inilabas na dismissal  at arestohin muli ang pinakawalang suspek.

Kaugnay nito ay ipi­na­liwanag ng pangulo ang hot pursuit rule.

Hindi aniya nangya­yari ang hot pursuit sa loob ng  24 oras lamang.

Iginiit ng Pangulo, habang iniimbestigahan ang isang kaso at nagsa­sagawa ng mga follow-up araw araw ang mga awtoridad, matatawag pa rin itong hot pursuit.

Naniniwala ang Pa­ngu­lo na ang kasong pagpatay kay Silawan ay resulta ng pagkalulong sa ilegal na droga ng suspek at iba pa niyang mga kasabwat.

Ayon sa Pangulo, sa klase ng krimen na nang­yayari nga­yon, masasa­bing lumala pa ang pro­blema ng bansa sa ilegal na droga.

Babala ng Pangu­lo, posibleng maging susu­nod na Mexico na ang bansa na kontrolado ng drug cartel ang gobyerno kapag hindi nasawata ang problema sa ipinag­babawal na gamot.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *