Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Water impounding Facilities kailangan — Manicad

NANAWAGAN si broadcast journalist  at kandidato para sa Senado na si Jiggy Manicad sa pamahalaang Duterte na magpatayo ng maraming water impounding facilities o imbakan ng tubig para sa mga sakahan ha­bang may krisis sa tubig sa bansa.

Ani Manicad, ang mga water impounding facilities ay subok na sa pagpa­parami ng naaani at sa pag-ayuda sa mga magsasaka tuwing tagtuyot.

“Kailangan natin ng ganitong mga pasilidad. Ito ang maaari nating sagot sa El Niño lalo na’t marami sa ating mga sakahan ay kulang pa ng mga patubig,” sabi ni Manicad habang nangangampanya sa Antique noong Martes.

Ayon kay Manicad, ang isang Small Water Impoun­ding Project (SWIP) sa Bambang, Nueva Vizcaya ay tumutulong sa mga magsakaka sa pagpapa­tubig at pagpapalaki ng kanilang pananim. Kahit na tatlong ektarya lang ang SWIP, mahigit 100 ektarya ng sakahan ang nakakukuha ng tubig mula rito.

“Bakit hindi natin ito gawin sa mga lugar na palaging naaapektohan ng tagtuyot? Ang small water impounding facilities ay makatutulong din sa atin para sa mas efficient na pagkalap ng rainwater,” sabi ng batikang mamama­hayag. Sa kanyang pagkan­didato para sa Senado, sinabi ni Manicad na pinili niyong pagtuunan ng pansin ang agrikultura sapagkat isa ito sa mga sektor na magdu­dulot ng kaginhawaan at kaunlaran sa buhay ng milyon-milyong Filipino.

“In my two decades as a reporter on the field, it’s clear that majority of Filipinos from Luzon to Mindanao continue to rely on agri-culture. We earn from it. We eat because of it. We form communities because of it. Bakit hindi tuloy-tuloy na buhusan ng pondo at mabubuting polisiya ang agrikultura kung napakalaki ng idinudulot nito sa mga Filipino?” tanong na pahayag ni Manicad. (JG)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …