Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
WALANG buhay na bumulagta ang target ng search warrant na si barangay kagawad Noel Mamangon y Macapagal (inset), 52 anyos, na sinabing miyembro ng gun for hire ng “Aquino Criminal Group” nang kumasa laban sa mga element ng Apalit Police, PIB, PDEU, SWAT at CIDG, habang ang utol niyang barangay tanod na si Emilio Mamangon ay nadakmang dala ang isang kalibre .38 revolver, isang granada at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, habang papasok, ang  mga tauhan ni Supt. Elmer Decena, hepe ng Apalit Police, sa bahay ng mga suspek, sa Purok 7, Brgy. Sucad, Apalit, Pampanga, kamakalawa nang madaling araw. (Kuha ni LEONY AREVALO)

Kagawad todas, tanod arestado sa boga’t granada (Mag-utol na taga-barangay)

WALANG buhay na bumu­lagta matapos makipag­palitan ng putok sa mga awtoridad ang isang ba­rangay kagawad na sinabing notoryus na tulak ng ilegal na droga at nasa listahan ng high value target (HVT) drug personality nang Hainan ng search warrant ng pulisya, kamakalawa nang madaling araw.

Sa isinumiteng ulat ni Supt. Elmer Decena, hepe ng Apalit Police, sa tang­gapan ni  Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, Central Luzon Police Director, kinilala ang napaslang na suspek na si Noel Mamangon y Macapagal, 52 anyos, isang barangay kagawad na sinasabing miyembro ng gun for hire  ng Aquino Criminal Group, at nadakip habang tumatakas ang kapatid na si Emilio Mamangon y Maca­pagal, 38, isang barangay tanod.

Nabatid kay Decena, bitbit nina Chief Insp. Danilo Fernandez, PO2 Marcelino Gamboa, at PO3 Marlon Aga ang isisilbing search warrant na inisyu ni Judge Jesusa Mylene Suba-Isip ng RTC Guagua, Pampanga, kasama ang mga kagawad ng PIB, PDEU, SWAT at CIDT.

Ngunit pagpasok sa bahay ng mga suspek bigla umanong tumalon sa bintana ang kagawad na si Noel upang tumakas saka pina­putukan ang mga pulis gamit ang kalibre .38 revolver, kaya’t gumanti ng putok ang mga pulis na agarang ikina­sawi ng suspek.

Naaresto naman ang kapatid ni Noel na isang kagawad na si Emilio.

Nakompiska sa papata­kas na suspek ang kalibre .38 revolver, isang granada, at isang plastic sachet ng shabu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leony Arevalo

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …