Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MWSS execs pinulong sa Palasyo

IPINATAWAG ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa Malacañang ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System (MWSS).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na pasado 6:00 pm kahpon nakatakdang humarap kay Duterte ang mga opisyal ng MWSS para iulat ang sitwasyon ng tubig sa Metro Manila.

Noong nakalipas na Biyernes ay nagbaba ng direktiba si Pangulong Duterte sa MWSS na utu­san ang Maynilad at Manila Water na agad magpalabas ng tubig mula sa Angat Dam para sa mga taga-Metro Mani­la.

Gusto rin ng Pangulo na magkaroon ng sapat na supply ng tubig sa loob ng 150 araw ang mga residenteng apektado ng krisis sa tubig sa kalak­hang Maynila at lalawigan ng Rizal.

Nauna rito, inihayag ng Palasyo na artipisyal ang naranasang krisis sa tubig at ang tunay na dahilan ay mismanage­ment at inefficiency ng Manila Water.

 (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …