Monday , December 23 2024

Kaliwa Dam, sa Japanese firm dapat ipagkatiwala

PINAG-AARALAN ng Palasyo ang pagbuhay sa panukala ng Japanese firm na itayo ang Kaliwa Dam .

“Well, I think, every proposal should be considered. The objective should always be the welfare of the people. The most beneficial, the most advantageous to the government and to the people should be the primordial consideration in any contracts involving the government and other private entities,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Batay sa pahayag ng Japanese company na Global Utility Development Corp (GUDC), interesado silang itayo ang Kaliwa Dam project sa ilalim ng Build-Operate-Transfer (BOT) scheme sa halagang $410 milyon kompara sa $800 milyong panukala ng China na uutangin sa kanila ng Filipinas para sa naturang proyekto.

Ayon sa GUDC, sa kanilang proyekto ay walang residenteng maaapektohan taliwas sa China funded na mawawalan ng tirahan ang 400 pamilya sa Infanta Quezon at 4,000 katao sa Tanay, Rizal.

Matatandaan, masidhi ang pagtutol ng mga residente, environmental groups at Simbahang Katolika sa Kaliwa Dam project mula pa noong administrasyong Arroyo at Aquino dahil itatayo ito sa sona ng Philippine Fault Zone at Valley Fault System, isa rin itong debt trap na  magiging sanhi nang pagbaha sa watershed mula Infanta hanggang Tanay, Rizal at binabalewala ang epekto ng climate change.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *