Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
tubig water

Master plan ikakasa ng Palasyo… Superbody vs ‘water crisis’

MAGBABALANGKAS ng national water manage­ment master plan ang administrasyong Duterte na inaasahang magbibi­gay lunas sa mga pro­blema sa supply ng tubig sa bansa.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles ang master plan ay gaga­win ng National Water Resources Board (NWRB) na tatanggalin sa super­bisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ililipat sa Office of the President.

Sinabi ni Nograles, ang NWRB ay bubuuin ng 30 ahensiya ng pama­halaan na may kinalaman sa supply ng tubig at kikilos batay sa manda­tong itatakda ng ilalabas na executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“One of the respon­sibilities of the body would be the crafting of a national water manage­ment master plan that will integrate all relevant and existing plans and road­maps of the different agencies that play a role in integrated water resource management (IWRM),” aniya.

Matatandaan noong Biyernes ay inatasan ni Pangulong Duterte ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na mag-release ng tubig mula sa Angat Dam na tatagal nang 150 araw na supply.

Nauna rito, naghinala ang Palasyo na artipisyal ang water shortage na naranasan ng mga kliyente ng Manila Water sa ilang bahagi ng Metro Manila, Rizal at Cavite.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …