Monday , December 23 2024
tubig water

EO ng pangulo itatapat vs krisis sa tubig

ISANG executive order ang binabalangkas ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan para tugu­nan ang krisis sa supply ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit na bayan.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexis Nograles, layunin nito na matugunan ng pamaha­laan ang problema sa supply ng tubig.

Dagdag ni Nograles bago pa man naranasan ang krisis sa supply ng tubig, may ginagawa nang hakbang ang economic cluster at cabinet assistance system para maresolba ang problema sa distribusyon ng tubig.

Bukod sa supply sa tubig, inaayos na rin ng pamahalaan kung paano tutugunan ang problema sa sewerage, sanitation, irrigation, flood manage­ment, watershed manage­ment at iba pa.

Ayon kay Nograles, sa pamamagitan ng EO, mas magiging organisado ang pagtugon ng pama­halaan sa krisis sa tubig.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *