Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
bugbog beaten

2 kelot binugbog ng mga senglot

MGA pasa sa mukha at katawan ang inabot ng dalawang binata makaraang pagtulungang gulpihin ng grupo ng lasing sa Taguig City, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Adrian Fernandez, 23, online seller, ng Faculty Street, Barangay Sta. Ana; at Ralph Bardecina, 25, ng Carlos St., Bgy. Tuktukan, kapwa sa nasabing lungsod.

Nahuli agad ng mga pulis ang mga suspek  na sina Barry Reyes, 30, may kinakasama, tricycle driver; at Paolo Mily, 25, kapwa ng Sand Piper Drive, Bay Breeze Subdivision, Bgy. Hagonoy, Taguig City; at Dennis Reyes, 43, may kinakasama, private employee, ng 382 Putok 5, MLQ St., Bgy. Lower Bicutan sa nabanggit na siyudad.

Batay sa ulat, naganap ang pambubugbog sa mga biktima sa Seagull Avenue, Bay Breeze Executive Village, Bgy. Hagonoy sa Taguig City, dakong 11:30 pm.

Naglalakad pauwi sina Fernandez at Bradecina nang matawag ang kanilang atensiyon ng isang grupo ng lalaki na nag-iinuman sa lugar.

Sinabing tinangka umanong dedmahin ng mga biktima ang mga suspek kaya agad silang hinabol. Nang maabutan ay pinagtulungang gulpihin ng mga suspek ang dalawang biktima sanhi ng kanilang mga sugat at pasa sa katawan.

Kaagad nakahingi ng tulong ang kanilang kaanak kina Patrolmen Arnel Gastardo, Christopher Bacoco, at Janize Baguan ng Police Community Precinct (PCP-6) , dahilan ng pagka­kadakip ng mga suspek. Naka­ku­long ang tatlong suspek sa deten­tion faci­lity ng Taguig City Police at naka­takdang sampahan ng kau­kulang kaso sa pis­kalya ng lungsod.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …