Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Winners sa Miss Caloocan 2019 ipinagmalaki ng LGU at CCTF

BINABATI ng Pamahalaang Panlungsod ng Caloocan at ng Caloocan Cultural and Tourism Foundation, Inc. (CCTF) ang mga nagwagi sa nakaraang Ms. Caloocan 2019 na ginanap sa Caloocan Sports Complex.

Kinoronahan bilang Miss Caloocan 2019 si Shanon Tampon ng Barangay 179, habang First Runner-Up si Czarina Sucgang ng Barangay 178. Iniuwi ni Nikki Mae Binuya Guese ng Barangay 63 ang titulo bilang second runner-up. Itinanghal na Ms. Caloocan 3rd and 4th Runner-Up sina Shenna Mae Zaldivar at Kurt Daniel Orilleneda Mataban.

“Binabati ko ang mga nanalo sa Miss Caloocan at lahat ng magagandang binibini na sumali sa patimpalak na ito,” ani Caloocan Mayor Oca Malapitan.

Pinapurihan din ni Mayor Oca ang ipinakitang pagsisikap, dedikasyon, at “sportsmanship” ng mga kandidata.

Ipinahayag ni CCTF Chairwoman Kat Mendoza ang kanilang buong suporta sa bagong Miss Caloocan habang isinasagawa ang kanyang tungkulin bilang bagong kinatawan ng Caloocan sa larangan ng turismo.

Samantala, aminado ang aktor at chairman ng mga board of judges na si Marco Alcaraz na nahirapan sila sa pagdedesisyon kung sino ang mga magwawagi dahil napakaganda lahat ng mga kandidata.

Gayonman sinabi ni Marco na hangad niya ang matagumpay na taon para sa mga bagong reyna ng Caloocan dahil nararapat lamang ang kanilang pagkapanalo.

Positibo rin ang feedback ni Jonathan Chong na isa sa mga judges at kilala bilang mentor ni Ms. Universe Catriona Gray sa mga nag-uwi ng korona na aniya’y “Beauty and brains!”

Nagpasalamat si Miss Caloocan 2019 Shanon Tampon sa Pamahalaang Panlungsod ng Caloocan, CCTF, Barangay 179 chairman Eugenio Notario Jr., at sa Sacred Heart Home Owner’s Association para sa kanilang walang sawang suporta sa kanya para makamit ang korona.

“Iniaalay ko ang korona para sa lahat ng nagtiwala sa sumuporta sa akin lalo sa mga lokal na opisyal ng  Barangay 179, ang aking tahanan. Karangalan ko na maging kinatawan ninyo at umaasa ako na magiging katulong ng lokal na pamahalaan ng Caloocan para sa lalo pang pagpapakilala sa ating mahal na Lungsod ng Caloocan,” ani Miss Caloocan 2019 Shanon Tampon. (JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …