Monday , December 23 2024
Manuel V Pangilinan MVP PLDT SMART
Manuel V Pangilinan MVP PLDT SMART

PLDT ipasasara (Kapag hindi nagdagdag ng linyang public service)

NAGBABALA si Pangu­long Rodrigo Duterte na ipasasara ang Philippine Long Distance Telephone (PLDT) company kapag hindi nagdagdag ng linya para magamit na hotlines sa mga reklamo ng pu­bliko sa mga serbisyo ng gobyerno.

Ayon kay Pangulong Duterte, may utang sa gobyerno na P8 bilyon ang PLDT. “If you see cor­ruption, tell me. Call 8888. Bong, add another trunk line. The present setup can’t accommodate all the calls. It’s always busy . Tell PLDT. If not, I’ll shutdown their business. Oo that’s true . I don’t want to brag but they owe government P8 billion. No President has ever asked for payment,” aniya sa talumpati sa Cebu City kamakalawa.

Ang PLDT ay pagma­may-ari ng tinaguraing ‘presidential dummy’ na si Manny V. Pangilinan.

Matatandaan na itinatag ang 8888 Citizens Complaints Center sa bisa ng Executive Order No. 6 na nilagdaan ni Pangu­long Duterte noong 2016 para tumanggap ng mga reklamo at hinaing ng mga mamamayan sa mga opisyal at serbisyo ng pamahalaan.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *