Monday , December 23 2024

Narco-politicians ilantad sa publiko

PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte na isa­publiko ng Department of Interior and Local Govern­ment (DILG) ang listahan ng narco-politicians para maging gabay ng mga botante sa pagpili ng mga kandidato sa 2019 mid­term elections.

Sa panayam sa Pala­syo, pinayohan ni Pangu­long Duterte si Cebu-based businessman Peter Lim na magpakamatay na lang kaysa sumuko sa kanya.

Si Lim ay isa sa ina­kusahang bigtime drug­lord na kinasuhan ng Department of Justice noong 2016.

“I am warning ‘yung mga nasa Visayas. Peter Lim if I were you I would commit suicide, never ever surrender to me alive, you will commit suicide. I-abbreviate mo na ikaw pa magtali sa leeg mo,” anang Pangulo.

Giit niya nananatiling banta sa pambansang seguridad ang illegal na droga. Matatandaan, isini­walat ng Pangulo noong 7 Hulyo 2016  na ang mga responsable sa pag­papakalat ng illegal drugs sa buong bansa ay sina Wu Tuan alias Peter Co , Herbert Colangco, Peter Lim at ret. police general Marcelo Garbo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *