Tuesday , December 24 2024

Palasyo hindi sang-ayon kay Cardema

HINDI pabor ang Palasyo sa panukala ni National Youth Commission Ronald Cardema na tanggalan ng scholarships ang mga kabataang estudyante na sumasama sa mga rally.

“We are government of laws, not of speculat­ions. Kung sinusus­petsa­han lang natin, hindi naman pupuwede iyon, kailangan mayroon ta­yong ebidensiya mga parte nga sila ng mga grupo na laban sa go­byerno. Kung sila ay sumasama lang sa mga rally, that’s their right—that’s their right – that’s freedom of expression and freedom of assembly,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing kahapon sa Malacañang.

Giit ni Panelo, dapat ay may kongkretong ebidensiyang pinangha­hawakan na kasapi nga ng isang organisasyon o grupong komunista na laban sa gobyerno ang mga estudyante bago patawan ng marahas na hakbang ng gobyerno tulad ng pagtatanggal ng karapatan para sa libreng edukasyon.

“Unless you can show us concrete evidence that they are really part of those forces against the government, hindi naman pupuwede iyon,” dagdag niya.

Paglilinaw ni Panelo, ang pagiging miyembro ng isang left leaning group ay hindi pa rin sapat na dahilan pero kung makiki­tang may pakikisangkot sa pagpaplano para pabagsakin ang go­byer­no, ibang usapan na ani­ya ito.

 

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *