Tuesday , December 24 2024

Pakistani nasakote sa karnap-sanla modus

ARESTADO ang isang Pakistani sa mga operat­iba ng Makati City Police Station Anti-Carnapping Unit sa isinagawang entrapment operation ng pulisya matapos tangga­pin ang natitirang bayad sa isinanlang karnap na sasakyan sa lungsod, kamakalawa ng hapon.

Kasong carnapping (RA 10883) at estafa ang kakaharapin ng suspek na si Raj Kumat Dadlani Jr., y Motwani, 37, binata, naninirahan sa Teresa Street, Barangay Valen­zuela, Makati City.

Kinilala ang biktima na si Larry Daroca at Lucas Mangabat, kapwa nasa hustong gulang.

Base sa ulat ni S/Supt. Rogelio Simon, hepe ng pulisya, nagkasa ng entrapment operation ang AnCar Unit laban sa suspek sa Cash and Carry Mall, sa Makati City, dakong 5:30 ng hapon.

Sa report, nakombinsi ng complainant na si Mangabat ang dayuhang suspek na bayaran ang natitirang balanse sa isi­nanlang karnap na sasak­yan ni Darroca na sanhi ng pagkakadakip ni Dad­lani.

Batay sa kuha ng CCTV footages, isang foreign looking person ang nangarnap sa isang nakaparadang Hyundai Van H100 shuttle body sa harapan ng bahay ni Darocca sa Sampaloc St., Bgy. San Antonio, Makati City, nitong 9 Enero, bandang 10:00 ng gabi.

Nakatanggap ng impormasyon ang AnCar nitong 16 Pebrero na ang sasakyan ay isinanla ng suspek sa Batangas City.

Nagsagawa agad ang awtoridad ng follow-up operation at nadis­ku­breng nakasanla ang sasakyan kay Mangabat sa Paharang East, Bata­ngas City.

Natuklasan ni Manga­bat na kahina-hinala ang mga papeles ng sasakyan ng dayuhan kaya nagsuri siya sa may-ari nito sa pamamagitan ng Face­book at iniulat niya sa pulisya ang nasabing insidente dahilan ng isinagawang entrapment operation laban kay Dadlani.

Nakapiit ang suspek at nasa custodial facility ng Makati Police at sasa­ilalim sa inquest proceed­ings sa piskalya ng lung­sod.  (JAJA GARCIA)

 

 

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *