Monday , December 23 2024

Human settlements department muling binuo ni Duterte

IBINALIK ng adminis­tra­syong Duterte ang isang kagawaran na ma­nga­ngasiwa  sa murang pabahay  para sa mahihi­rap na Pinoy gaya noong panahon ng rehimeng Marcos.

Sa pamamagitan ito ng ipinalabas na Republic Act number 11201 o ang batas na lumilikha sa Department of Human Settlements and Urban Development.

Ang naturang kaga­wa­ran ay dating Ministry of Human Settlements na pinamunuan ni da­ting First lady Imelda Marcos.

Nakapaloob sa batas na tungkulin ng estado na magpatupad ng mga programang pabahay  at urban development para sa mura, disente at maa­yos na resettlement  areas para sa mahihirap at walang bahay nitong mamamayan.

Sa ilalim ng batas  ay pagsasamahin ang tungkulin ng HUDCC at HLURB para sa pagpa­patupad ng mga  govern­ment housing program, at mangangasiwa  sa homeowners association sa mga subdivision pro­ject.

Ang Department of Human Settlement and Urban Development  ay magpapatupad ng single regulatory system para sa mga aktibidad na may kaugnayan sa planning, development, production, marketing at manage­ment ng housing and urban development pro­jects, nang hindi nanghi­himasok sa hurisdiksyon ng iba pang ahensiya ng gobyerno.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *