Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grace Poe, matatag sa No. 1 sa Pulse Asia survey

NANGUNGUNA pa rin sa pinakapinipi­ling kandi­dato sa pagka-senador ang reeleksiyonistang si Sen. Grace Poe, batay sa bagong survey na isinagawa ng Pulse Asia para sa nalalapit na 2019 elections.

Nakakuha ng 74.9 porsiyentong (%) vote preference si Poe at hindi natinag sa unang posi­syon ng listahan ng mga kumakandidatong senador.

Malayo naman ang agwat ng sumunod kay Poe na si Sen. Cynthia Villar na nakakuha ng 60.5% boto mula sa mga tinanong.

Sumunod kina Poe at Villar ang mga nagbabalik sa Senado na sina Taguig City Rep. Pia Cayetano at da­ting senador Lito Lapid na statistically tied sa ikatlo hanggang ikaanim na puwesto sa natamong 53.3% at 53% na sinundan din ni Sen. Nancy Binay (50.1%).

Pasok sa Magic 12 sina Sen. ­Edgardo ‘Sonny’ Angara (48.8%), Sen. Koko Pimentel (45.5%), Bong Go (44.7%), Jinggoy Estra­da (44.3%), Mar Roxas (41.8%), Ilocos Rep. Imee Marcos (41.2%), ­dating senador Bong Revilla (40.2%), Sen. Bam Aquino (38.5%), dating senador Serge Osmeña (37.7%) at dating Police Chief Bato Dela Rosa (36.9%).

Isinagawa ang survey simula 26-31 Enero 2019 sa 1,800 respondents.

Nagpahayag nang lubos na suporta sina Batangas Cong. Vilma “Ate Vi” Santos, ang kanyang mister na si Sen. Raph Recto kay Poe at mga re­elek­siyonistang sina Sen. Bam Aquino, Nancy Binay, JV Ejercito at Sonny Angara sa pro­clamation rally kama­kalawa ng gabi sa Lipa City, Batangas.

“Kapuri-puri naman talaga ang mga naga­wa ni Sen. Grace Poe sa Senado lalo sa kan­yang pagma­malasakit sa mga bata at kaba­taan,” ayon kay Ate Vi.

“Kaya kami ni Bata­ngas Gov. Dodo Man­danas at ng aking mister na si Raph  ay todo-suporta kay Sen. Poe at sa kanyang mga kaal­yadong re­election­ist senators.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …