Thursday , April 24 2025

3-mos baby girl tostado sa sunog

TOSTADO ang tatlong-buwang sanggol na babae makaraan masunog ang kanilang bahay nitong Miyer­koles ng hapon.

Halos uling na nang matagpuan ang bangkay ng sanggol na si Alex Cabil.

Ayon kay Supt. Paul Pili, fire marshal ng Pasay City Bureau of Fire and Protection (BFP),  sa Saint Francis St., Bgy. 178, Maricaban, sa kapitbahay ng mga magulang ng biktima na sina Jordan Madrid at Roxqnne Cabil, nagsimula ang sunog dahil sa naiwanang kandila dakong 5:27 ng hapon.

Sa pahayag ng ama ng biktima na si Madrid, iniwan niya ang kanyang dalawang anak kasama ang sanggol sa loob ng kanilang bahay dahil bibili siya ng ulam, habang ang ina ay nagsasanay sa pagiging call center agent.

Sumiklab ang sunog mula sa kanilang kapit­bahay kaya nakatakbo palabas ng bahay ang isa sa kanilang mga anak na nakaligtas ngunit ang sanggol ay naiwan sa loob.

Sugatan si Madrid dahil tinangka niyang iligtas ang bunsong anak, ngunit huli na ang lahat dahil kasama na sa natu­pok ng apoy.

Dahil gawa sa light materials, nasa 10 kaba­hayan ang nilamon ng apoy at nasa 29 pamilya ang nawalan ng tahanan, na aabot sa P.2 milyon ang halaga ng mga ari-ariang napinsala.

Nabatid na umabot sa ikalawang alarma ang sunog at 9:12 pm idine­klarang fireout.

Dumating kahapon ng tanghali si dating Presidential Staff Christo­pher  Laurence  “Bong” Go sa mga nasunugang pamilya habang sila ay nasa covered court ng Bgy. 178.

Namahagi ng tulong  financial si Go,  sa  mga nasunugan.

Ayon sa BFP,  patuloy nilang iniimbestigahan ang naturang insidente.

ni JAJA GARCIA

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Nora Aunor Bongbong Marcos Erap Estrada

PBBM, Erap dumating sa huling gabi ng lamay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ng napakaraming kaibigan, fans, pamilya, at kasamahan ang huling gabi …

Pilita Corrales Pope Francis Nora Aunor Hajji Alejandro

Panalangin sa walang hanggang kapayapaan kina Pope Francis, Nora, Hajji 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang kalungkutang nadarama sa showbiz. Una si Pilita Coralles na hindi pa …

ICTSI Earth Day FEAT

Earth Day 2025: Panahon na para kumilos, hindi lang magdiwang

TAON-TAON, tuwing 22 Abril, ginugunita natin ang Earth Day — isang pandaigdigang kilusan para sa …

042225 Hataw Frontpage

Pope Francis pumanaw, 88

HATAW News Team NANAWAGAN si Cardinal Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of …

Ogie Diaz Camille Villar

Patutsada kay Camille Villar
Serbisyo ng PrimeWater ayusin — Ogie Diaz

IMBES mangako ng pabahay sa bawat pamilyang Filipino, dapat unahin ni Las Piñas Rep. at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *