Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rodrigo Duterte Bong Go
Rodrigo Duterte Bong Go

Endorsement power walang ‘magic’ — Palasyo

HINDI kombinsido ang Malacañang sa ‘mahika’ ng endorsement power ng isang presidente para makapagpanalo ng isang kandidato.

Tugon ito ni Pre­si­dential Spokesman Salva­dor Panelo sa harap ng komento ng mga obser­vers at political analyst na magiging sukatan ang papalapit na midterm election sa anila’y magical powers ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte para makapagpanalo ng mga tumatakbo sa eleksiyon.

Ayon kay Panelo, ginagawa ng Pangulo ang endoso dahil sa panini­walang ang mga bina­bang­git niyang mga pangalan ang may kapa­bilidad at dapat na maluklok sa puwesto.

Ang siste, ayon kay Panelo, ay binibigyan ng Presidente ang mama­mayan na makapamili ng mga kandidatong sa tingin niya’y karapat-dapat pero hindi sa layu­ning subukan ang kanyang endorsement power.

Dagdag niya, hindi rin nila ipinapakahulugan na ang pagkakapanalo ng isang oposisyon ay kabi­guan sa magical powers ng presidente na mabitbit sa panalo ang isang tumatakbo.

Sa halip, ang pagka­ka­panalo aniya ng isang kandidato na hindi kaal­yado ay dapat ipaka­hulugan na kaya siya nahalal ay para tumulong at hindi siraan ang administrasyon.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …