Monday , December 23 2024

Maharlika ipalit sa ‘Pilipinas’ — Palasyo

KAILANGAN magpasa ng batas ang Kongreso at pumasa sa panlasa ng mga Pinoy sa pamamagitan ng referendum ang balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na baguhin ang pangalang ‘Pilipinas.’

“The Constitution provides that Congress may enact a law that can change the name of the country and then submit it to the people for a referendum,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Bahala aniya ang mga mambabatas na magpanukala ng batas na magpapalit sa pangalan ng ‘Pilipinas’ sa Maharlika at magsagawa ng congressional hearings sa isyu.

Giit ni Panelo, ang opinyon ng Pangulo hinggil sa pagbabago ng pangalan ng bansa ay bunsod ng pagsusulong ng “national identity”  at ang Maharlika ay nagpapakita ng Malay identity ng bansa. Ang ‘Pilipinas’ ay hango umano sa pangalan ni King Philip ng Espanya.

Bago ito, isinusulong ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na gamitin ang wastong Filipinas kaysa Pilipinas.

Batay sa pananaliksik ng KWF, ang pangalan ng ating bansa ay hango sa Felipe Rey (Haring Felipe) ng España at hindi sa salin ng English na King Philip, na pinaniniwalaang pinagkuhaan ng Philippines.

Isa rin sa basehan na ibalik ang pangalan ng bansa bilang Filipinas dahil ganito ang nakasulat sa mga lumang dokumento ng kasaysayan.

“Well, sa tingin ko kay Presidente ay magandang pakinggan ang Maharlika.

“Royalty hindi ba, sa Filipino language, ‘mahar­lika’ means royalty,” aniya.

Kapag nakalusot aniya ang batas ay tatawa­gin nang “Maharlikano” o “Maharlikas” ang mga Filipino. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *