Monday , December 23 2024

Pinoy construction workers ubos na (Chinese pumapalit)

INATASAN ng Palasyo ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na gumawa ng kaukulang hakbang upang matugu­nan ang kasalukuyang kakulangan sa Pinoy workers sa construction sites sa ilalim ng government programs. 

Ito ang sinabi  ni Presidential spokesman Salvador Panelo sa gitna ng pahayag ni dating Pangulong Noynoy Aquino na dumaragsa ang mga construction workers na Chinese nationals sa Filipinas.

Sinabi ni Panelo, ang TESDA ang dapat guma­wa ng hakbang upang mabigayn ng pagsasanay ang mga kababayan natin para magkaroon ng skills sa larangan ng kons­truksiyon.

Marami aniyang mga Filipino ang walang traba­ho na maaari sanang ma-empleyo sa construction pero wala namang skills sa nasabing larangan kaya dapat aniya tala­gang  pumasok dito ang ESDA.

Sabi ni Panelo, tala­gang may proble­mang kinakaharap ang bansa kung ang pag-uusapan ay bilang ng mga con­struction workers gayong ang karamihan ay nagsipag-abroad na.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *